Chapter 33

391K 13.4K 8.4K
                                    

Chapter 33

Reason

Wala na akong magagawa pa. Kaming dalawa ni Kairon ang kukuha roon sa funds. Very wrong talaga!

Nagtungo na si Lia at Kuya Mac doon sa CCTV room habang si Shawn at Lancer naman ay kinuha na ang atensyon no'ng guard.

Kaming dalawa ni Kairon ay nakaantabay naman malapit sa opisina ng mga professors para pagtawag nila Lia ay makapasok na agad kami at makuha ang funds.

Tahimik lamang ako at nakayuko. Ang awkward ng pakiramdam na makasama si Kai ngayon...

"Iniiwasan mo ba ako?" Kairon asked in a soft tone.

Nanatili akong nakayuko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko! Aamin ba ako na 'oo'?

"Umm, magfocus na lang muna tayo sa mission natin. Baka tumawag na rin sila Lia." sabi ko na lang.

I hope that's fine!

Nanatiling tahimik kaming dalawa hanggang sa tumunog na ang phone ko.

"Paige, nakita na namin! Naisama ko sa mga files ni Mrs. Peralta." ani Lia. "Nasa cabinet katabi ng table niya. Sa bandang taas ko nailagay! Tandaan mo na lang na nasa loob 'yun ng yellow folder, okay?"

"Okay. Sige, papasok na kami." sabi ko kay Lia.

Lalapit na sana kami ni Kairon sa opisina nang biglang narinig namin ang boses ni Mrs. Peralta na palapit doon!

"Shit." Kairon hissed and pulled me back at the corner.

Nagtago kami roon hanggang sa makita namin si Mrs. Peralta na binuksan ang office niya. Papasok na ito nang biglang dumating sila Shawn.

"Mrs. Peralta, umm... I have a concern." si Shawn iyon.

"Shawn, Hijo, ano 'yun?" anang Guro.

"Umm, regarding the project? I'm not sure if I'm doing it right." pagdadahilan pa ni Shawn.

"Ako rin, Mrs. Peralta. Iyon din po ang concern ko." sabi naman ni Lancer habang palapit sa dalawa.

Bahagyang natawa si Mrs. Peralta. "At kailan ka nagkaroon ng interes sa mga project, Lancer?"

Kinakabahan talaga ako sa mga pinaggagagawa namin ngayon!

"Grabe ka naman, Ma'am. Nagseseryoso na po ako." sagot pa ni Lancer.

Weh?

"Can you come to the library and teach us for a bit?" pagsegunda pa ni Shawn.

"Alright then. Gusto ko 'yan, ha. Pursigido kayo sa pag-aaral. Nakakatuwa." sabi pa ni Mrs. Peralta.

Nang makalayo na sila ay dahan-dahan kaming pumasok ni Kairon sa opisina ni Mrs. Peralta. Buti at hindi na niya iyon naisara!

"Nasaan daw nakalagay 'yong funds?" tanong ni Kairon sa akin.

"S-sa cabinet malapit sa table sabi ni Lia. Nasa yellow folder daw 'yun." sagot ko naman.

Tumango naman si Kairon at dumako na sa malaking cabinet malapit sa mesa.

Kai opened it and both of us were shocked upon seeing the things inside.

Jusko! Puro folder ang laman! Tapos ang lahat ng folder na nandoon sa loob ay dilaw!

"What the fuck?" Kairon murmured.

"Pa'no na?" nawawalan ng pag-asa kong tanong. "Ay, wait. Tawagan ko si Lia. Baka tanda niya pa kung saang banda rito sa cabinet niya nailagay."

Agad kong kinuha ang phone mula sa bulsa ko. Laking gulat ko nang makitang lowbat na pala iyon. Naku naman!

Garnet Academy: School of Elitesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن