Chapter 56

390K 15.3K 20.6K
                                    

Chapter 56

Love

Hinila na ako ni Kairon palayo kay Lancer at sa lugar na iyon.

Habang mabilis na naglalakad ay nakatingin lamang ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko. The way he is holding my hand makes me so soft. It's tight yet careful at the same time. Hindi ko alam kung bakit namumuo ang luha sa mga mata ko.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad tapos ay hinarap ako. "What was that? Just days from now, you asked me for forgiveness. And the following day, you agreed for a date with him and now this?"

He's looking at me with disbelief.

Natikom ang bibig ko at hindi mahanap ang mga tamang salita. Gusto ko lang ngayon ay yakapin siya... Ng mahigpit na mahigpit. Iyong sobra-sobrang higpit.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya na siyang ikinagulat ko.

Tumango naman agad ako. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ito ang tunay na nararamdaman ko.

Saglit siyang natigil at napatingin sa lupa.

"Why do you still love me?" he asked. Agad na kumurot ang puso ko dahil doon.

"I don't know," I answered in full honesty.

Dahil hindi ko alam. Walang dahilan o sobrang daming dahilan kaya mahal ko pa rin siya.

"Why did you stop?" I asked him and my tears suddenly rolled down my face.

I really want to ask him that. I really want to understand him. Why did he do that to me? Why it seems like he lost his interest in me? He lost his love for me... He  just stopped.

"Who said I did?" aniya at sa isang iglap ay mabilis niya akong hinigit sa kanya. Bumalandra ako sa katawan niya at yinakap niya ako ng sobrang higpit.

He hugged me in the way I wanted to be hugged for the longest time.

Sa mahigpit niyang yakap na iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Sa bisig niya, nahanap ko ang kasiguraduhan.

"I love you. I still love you. It's always been you. It was you yesterday, it was you today, and it will be you tomorrow... For the rest of my life, until I die, and if there's a life after that, it would still be you."

I cried harder when I heard those words. I hugged him. I hugged him as tight as I could.

"I love you, my Pie." he said and calmed the storm in me.

Kumalas siya sa yakap para mahawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Is that happy tears?" he said worriedly. "Because those are the only tears I can afford to see falling down from that beautiful eyes."

Tumango ako at muling yumakap sa kanya. It's like I wanted to do it forever. Ayaw kong bumitaw.

"Natakot ako. Takot na takot ako. Akala ko kasi... A-akala ko... Akala ko hindi mo na ako mahal." I said, still crying my heart out.

Inalo niya ako at pinapatahan. "Imposible 'yun. Mamamatay muna ako."

Mahina kong pinalo ang braso niya. "'Wag ka nga magsalita ng ganyan."

He chuckled and ruffled my hair.

"Akala ko may iba na." dagdag ko pa.

I'm really terrified thinking that some girl already took his heart away from me.

"Walang iba. Ikaw lang, nag-iisa." he said and hugged me back.

"P-pero kasi si Stephanie. Lagi mo siyang kasama. Naisip ko na baka masaya ka na sa kanya..." Para akong isang bata na naglalabas ng sama ng loob. "Naisip ko na baka nahulog ka na sa kanya. Tapos ang dami pang haka-haka na girlfriend mo na siya..."

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon