Chapter 52

336K 13.5K 15.4K
                                    

Chapter 52

The Truth

"'Wag kang makialam. Bakit sino ka ba?!" matigas na sabi ni Kairon.

"Kaibigan niya. Bakit ikaw? Alam kong ikaw ang Commander, pero sino ka ba sa buhay ni Paige, huh?" balik ni Jax dito.

Nanatili ako sa likod ni Jaxith, hindi alam ang gagawin. Ni hindi ako makagalaw doon.

"Sino ako?! Ako ang boyfriend niya." Kai said it so clear that he sounded so sure.

Jax laughed bitterly. "Ah. So you're the ex boyfriend? That fucking monster who tried to kill her! Ang kapal pala ng mukha mong gago ka!"

Nabigla ako sa mabilis na pagkwelyo ni Jaxith kay Kairon.

Kai immediately removed his collar from Jaxith's clutch and pushed him hard.

"Shut the fuck up. Wala kang alam." Kairon said as he gritted his teeth.

Natumba si Jax kaya agad ko siyang dinaluhan. "Kairon, ano ba?! Tumigil ka na!"

Aalalayan ko sana si Jaxith sa pagtayo, pero mabilis niya na itong nagawa at nakalapit siya ulit kay Kairon. "Ah, talaga? Marami akong alam." aniya sabay duro rito. "Alam ko 'yong ginawa mo. Alam ko kung gaano nasaktan si Paige ng dahil do'n! Alam ko kung paano siya nagdusa. Kung paano niya pinilit ang sariling bumangon mula sa bangungot ng kademonyohan mo! Alam ko!"

I know Jax. Any minute now, he'll hurt Kairon. He'll definitely throw him a punch and it will be a riot.

Nilapitan ko agad si Jaxith at umangkla sa braso niya. "Jax, let's just go! Walang sino mang kriminal ang aamin sa kasalanan niya!" sigaw ko.

Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. I really want this day to end. Pagod na ako.

Kumunot ang noo ni Kairon. "Iyon ba talaga ang tingin mo sa akin, Paige?" hindi makapaniwalang tanong niya. Lalapitan niya pa ako kaya mabilis ang naging pagharang ni Jaxith sa pagitan namin. "Sa tingin mo, kaya ko talaga 'yon gawin sa'yo?"

"Ayaw kong paniwalaaan, pero nakita ko-" Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil pinutol na ako ni Kairon.

"Nakita mo? Nakita mo 'kong itinutok ang baril ko para ro'n sa taong nasa likod mo!" aniya. Halos namilog ang mga mata ko sa gulat. What the hell is he saying now?! "Paige, I saw him. That guy is about to shoot you so I immediately aim a gun to shoot him first! Naunahan niya lang ako ng segundo. Naunahan niya lang ako at iyon ang pinagsisihan ko!"

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hirap iproseso ang mga salitang naririnig mula sa kanya.

"No!" iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.

Jaxith immediately extended his arm like a shield to protect a little girl from the presence of a wolf.

"That's the truth! At iyon ang napatunayan sa kaso. Tumagos ang bala, kaya hindi agad natukoy kung saan 'yon unang tumama sa katawan mo. And after running a series of tests, it's been proven that the gun shot came from the back and not in your front shoulder. Paige, napawalang sala ako dahil doon. Bakit hindi mo alam 'yon?"

Napaawang ang aking labi sa sunod-sunod na makapanindig laman na mga impormasyon.

Umiling-iling ako. Ang luha sa mga mata ko'y unti-unti nang nagsipatakan. Pati si Jaxith ay natahimik na rin.

I saw the pain in Kairon's bloodshot eyes. I can hear the pain in his voice. And deep inside my heart, it hurts like hell.

Napahawak ako sa aking dibdib. Kumikirot ang puso ko. Ang sakit sakit nito. Ang gulo gulo na.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon