Chapter 41

331K 12.5K 18K
                                    

Chapter 41

Shot

Nang makasakay na ang lahat sa van ay umalis na rin kami.

Si Kairon ang nasa kaliwa ko at si Lia naman ang sa kanan. Nasa harapan namin si Ate Thea, Stephanie at Andy. Solo flight naman si Kuya Mac sa likod.

Ang ibang body guards ay nasa pinaka likuran at ang iba ay nasa separate van.

We found a fencing class near where Kuya has been confined. Everything was carefully planned kaya naman wala dapat mangyaring masama. Hindi kami pwedeng mahuli ng head mistress!

Tanghali nang makarating kami sa lugar kung saan kami magtatake ng fencing lessons. Alam naman na namin halos kaya kaunting preview lang tapos tryout.

Malaki at maganda ang lugar na pinuntahan namin. We'll also need to take pictures that we're here as a proof.

Saglit lang ang orientation tapos ay pinagbihis na rin kami ng proper attire. White jacket, underarm protector, two body and mask cords, knee high socks, glove, knickers and chest protector for women.

We have to pick a training partner. Luckily, ang coach namin ang namili. At kami ni Stephanie pa ang nagkapartner! The irony!

"Hay... Lagi na lang tayo ang magkamatch. Maybe the universe really want Kairon to see that I'm a better choice than you." anito at kinuha na ang foil niya bilang weapon sa match namin.

"Or maybe it's another way around. Baka gusto ng universe na makita ni Kai na tamang ako ang napili niya." sabi ko at kinuha na rin ang sword ko.

"Everyone, line up!" sigaw ng coach namin.

Lahat kami ay luminya na. Dalawang pila iyon, kaharap ang mga kamatch namin.

Si Kai at Kuya Mac, ako at si Stephapnie, si Ate Thea at Lia. Tapos si Andy at si coach ang nagpartner bilang kulang kami ng isa.

Nagpakita ng iilang technique si Coach tapos ay ginaya naman namin iyon.

"Coach, easyhan mo lang po ha. Professional Coach ka, bakla ako." ani Andy.

Natawa naman kaming lahat kay Ands dahil si Coach ang partner niya! Gusto pa niyang makipagpalit pero bawal na.

Pagkatapos ng isang oras ay oras na rin ng training match.

"You got this." ani Kairon.

I smiled at him and raised my two thumbs.

Una kami ni Stephanie kaya naman nong nagtungo na kami sa gitna ay nagpatunog na ang coach namin hudyat na magsimula na.

Unang umatake si Stephanie pero agad ko rin namang tinabla ang mga iyon.

Habang umaatake ay naalala ko lang iyong una naming laban sa ring. Hindi ko maaaring ipakita ang kakayahan ko sa unang parte ng laban kaya napuruhan ako. Ngayong wala nang kahit anong hadlang ay lalabanan ko talaga ang babaeng ito!

Nakakuha na ako ng isang puntos. Ramdam ko na gustong-gusto ni Stephanie na kumuha rin ng puntos kaya naman mas bumilis siya, kaya lang kung saan-saan tumatama ang weapon niya! Stephanie keeps on hitting me at the legs!

Nagpatunog muli ang coach namin kaya agad din kaming tumigil nang marinig iyon. Hingal kong inalis ang suot na mask.

In foil, the valid target area includes the torso and the groin. The head, arms, and legs are considered off target! Touches made off target do not count for points, but do stop the play!

Kaya siguro ay itinigil ni Coach ang match dahil sa panay na pagtama ni Stephanie ng foil sa binti ko.

"Are we clear about the rules?" ani Coach.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon