Chapter 7

451K 19.3K 9.1K
                                    

Chapter 7

Angry

Mahimbing na ang tulog ni Kairon. Hindi talaga ako umalis sa tabi niya hangga't hindi pa mahimbing ang kanyang tulog.

Papunta na sana ako sa comfort room nang tumunog iyong phone ko. Agad ko naman itong sinagot at lumayo ng kaunti sa kama ni Kairon.

"Bakit, Kuya?" mahina kong pagsagot.

"Where are you? Bakit hindi ka pumasok sa mga naunang subjects?!" rinig ko ang pagsigaw niya kahit pilit na hinihinaan.

"May sakit kasi si Kai-"

"Lumabas ka. Nandito ako sa tapat ng pintuan n'yo." ani Kuya Beau.

Nanlaki ang mga mata ko at saka pinatay ang tawag. Pumunta agad ako sa may pinto para mabuksan iyon.

All I saw was Kuya's flamming eyes!

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong niya. Mahina lamang ang boses.

"May sakit si Kairon, Kuya. Hindi ko maiwan." sabi ko. Akala ko ay sapat ng dahilan iyon, pero tinaasan lamang sko ng kilay nitong si Kuya.

"And so? Dalhin mo siya sa clinic!"

Sasagot na sana ako nang biglang humambalang ang mukha ni Stephanie sa pintuan.

"What? Did I hear it right? May sakit si Kai?" tanong niya. Bakas ang pag-aalala sa kanyang tinig.

"Oo. Pero medyo okay naman na siya. He's sleeping now." saad ko.

Masama na ba ako kung naiinis ako sa kanya sa hindi malaman na dahilan?

"Bakit hindi mo ako tinawag?!" asik niya at saka nagpumilit pumasok sa loob.

Mabilis ang pangyayari. Nasa kama na agad siya ni Kairon at hinahawakan niya ang ulo nito. Sinusuri siguro kung mataas pa ang lagnat.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang. Si Kuya naman ay naiwan sa may pintuan.

Tumayo si Stephanie at dumako roon sa kung nasaan iyong telepono.

"Hello, Tita. I'm sorry." iyon ang naging bungad niya. "Kairon is sick..."

Nakatingin lamang ako kay Kairon na payapang natutulog. Sinuri ko siya kanina at medyo bumaba naman na ang lagnat na.

Hindi ko alam kung bakit pa kailangang maghimasok ni Stephanie. Is she Kai's girlfriend or something?

"Don't worry, Tita. I'll take care of him. I can do it better than anyone else here..." ani Stephanie na muling nagpabwisit sa akin.

Siguro iyong Mommy ni Kairon iyong kausap niya.

Bida-bida rin talaga ang isang ito.

Hindi ko na tuloy alam ngayon. Bakit pakiramdam ko ay mayroong namamagitan sa kanila ni Kairon? Pero bakit parang wala namang paki si Kairon sa kanya? Ang gulo.

"Paige, pwede ka na munang umalis." sabi ni Stephanie. She is glaring at me like I did something wrong. "Ako na ang bahala rito. Consider this day as your freeday."

And who is she to tell me that? She is not my master!

"Hindi. Dito lang ako-"

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now