Chapter 31

391K 14.2K 7K
                                    

Chapter 31

Complicated

"Ginawa mo lang na ka-secret on ang isang Kairon Pierce Gonzalez? Putek?!"

Narindi ako sa sigaw ni Lia mula sa telepono. Agad ko kasing kinwento sa kanya ang nangyari.

"Pansamantala lang naman. Gusto ko kasi na malaman muna ni Kuya Beau bago mabunyag sa lahat." pagpapaliwanag ko.

"Okay okay. Nagulat lang talaga ako. I mean? Hello? Si Kairon iyon! Ang commander ng eskuwelahang ito!"

"Nahihiya nga ako sa kanya, eh. Pero okay lang naman daw." sabi ko.

"Okay lang sa kanya, syempre mahal ka... Ayie!" Para akong namumulang kamatis dahil sa pambubuyo ni Lia. Pasaway talaga! Pag ito natuluyan kay Kuya Mac, siya naman ang aasarin ko ng ganito.

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Kairon. Binuhat niya ang bag ko at halos nagdidikit ang mga kamay namin habang naglalakad kaya naman kinikilig ako. Kung hindi lang kami mag secret on ay baka hinablot ko na ang kamay niya at mahigpit na hinawakan!

Pinagtitinginan kami ng marami kaya naman mas maingat ang ginagawa naming kilos.

Sumabay sa amin ng kain si Shawn ngayong lunch. He sat in front of us and keeps on smiling devilishly! May alam ba 'to?!

Mahina kong siniko si Kai. "Alam ba ni Shawn ang tungkol sa'tin?"

"Yeah. Nasabi ko." bulong niya pabalik.

"I won't say a word to anyone here. If that's what you are worrying about." ani Shawn habang kumakain ng spaghetti na maraming meatballs.

"We can trust him." sabi naman ni Kai.

Alam ko naman iyon. Lalo na't matalik na kaibigan ni Kai si Shawn.

"Hindi naman ako nagwoworry. Sinabi ko rin naman kay Lia." saad ko.

"Well, I'm happy na may girlfriend na ang kaibigan ko. Akala ko, ako na ang natitipuhan niya, eh."

Natawa naman ako sa sinabi ni Shawn at sa panggigiit ni Kairon.

"Hoy, Shawn Mercado! Akala mo 'to. Wala ka rin namang girlfriend! Baka ikaw ang may type sa'kin, ah."

Natatawa ako sa kanilang dalawa. Para talaga silang mga bata!

Hay! My baby is so cute!

"Wala kang girlfriend, Shawn?" gulat na tanong ko.

Sabagay, wala naman akong nakikitang malapit na babae kay Shawn dito sa buong academy. At saka nitong mga nakaraang araw, lagi pa siyang wala! Tumatakas rin kaya siya rito gaya ni Kairon kung minsan?

"But it doesn't mean that I'm single. I mean, single ako pero... Ah, basta. It's complicated." sagot naman ni Shawn.

Ano 'yun? Single siya na hindi? Ang gulo nga!

"Hindi magiging complicated kung aamin ka na." sabi naman ni Kairon.

"Complicated kasi may mahal siyang iba." mabilis naman ang naging tugon ni Shawn. "Alam mo naman 'yon, 'di ba?"

"It won't be as complicated as it is if you would only tell her how you feel." si Kai iyon. "I mean, you're always there for her and she knows it. Ariyah is smart."

"She's smart, but she is also very innocent, Kai." Nilagay ni Shawn ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang bulsa. "We know her. Baka layuan niya lang ako. Alam mo naman na ako lang ang tinatakbuhan no'n. Hindi 'yon tatakbo sa'yo."

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now