Chapter 57

324K 12.8K 15.2K
                                    

Chapter 57

Santiago

My eyes are getting wattery once again. I took a deep breath.

"One day, you'll be someone else's best." I said to Lance. I tried my best not to buckle.

He is so special and he deserve so much.

Ngumiti siya. "Sana." he said in a soft tone.

"You will and I know it. You deserve it, Lance." dagdag ko pa.

Nginitian niya akong muli tapos ay tumayo na. "Sige, mauna na ako, ah. May gagawin pa pala ako..."

"H-ha? Pero paano 'yung pagkain mo? Hindi mo pa nagagalaw."

"Dadalin ko na lang." aniya at sinarado iyong styro ng pagkain tapos ay binitbit na iyon. "Salamat. Mag-iingat ka lagi. At kung sakaling kailanganin mo ako, 'wag kang mahihiyang lapitan ako. Kasi nandito pa rin ako para sa'yo."

Tinanguan ko siya at nginitian pabalik. My heart hurts so good. I know that I got a good friend in him. He's a treasure.

Medyo nawala ang gutom ko, pero sayang naman kung hindi ko kakainin itong binili ko. Marami pa naman.

Susubo na sana ako nang bigla kong nakita si Stephanie sa harapan ko. She is on her usual bitch mode look, but softer this time.

Malalim siyang huminga. "About earlier, thanks for that."

Medyo napaisip pa ako roon tapos ay bigla kong naalala iyong kanina. Baka tungkol ito roon sa dalawang babaeng pinagsabihan ko kanina.

"Wala 'yun. Ginawa ko lang 'yung tama." sabi ko naman sa kanya.

I'm still a bit in shock by her gesture.

"Just so you know, I'm sincere. Hindi lang siguro halata." she said and fixed her shiny black hair.

I smiled awkwardly.

Hindi talaga ako sanay. Kapag magkaharap kasi kami, lagi lang away at gulo.

"Pinapaubaya ko na sa'yo si Kairon. I get it, okay. Ikaw talaga ang gusto niya, eh. Wala naman akong magagawa. Susuportahan ko na lang siya." aniya. She looks so pretty confident. "To be honest, I got mad at you no'ng nakaya mong ipakulong siya. I mean, paano mo 'yun nagawa?"

Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa harapan ko tapos ay masungit akong tinignan.

"Anyway, don't you ever try to hurt him again or I'll swear, aagawin ko siya sa'yo... Char!" natatawa siyang tumayo. "Sige, bye bye."

Natulala ako sa kanya. She is such a crazy girl. Pero I found myself at ease. Though she still has the attitude, it feels lighter. Alam mong iba na, eh. Sana ay ganyan na lang siya lagi.

"Pie!"

Agad akong napalingon dahil dalawang boses ang narinig kong tumawag sa akin.

Halos nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kairon at Jaxith sa magkabilang bahagi ng canteen. Oh shoot!

"Ummm, sige. May kasabay ka na pala. Do'n muna 'ko." ani Jax tapos ay tumalikod na kaagad.

Tatawagin ko pa sana si Jaxith dahil ako naman ang nagtext sa kanya na sabay kaming maglunch. Kaya lang masyado siyang mabilis maglakad kaya naman hindi ko na iyon nagawa.

Nakakunot naman ang noo ni Kairon habang naglalakad palapit sa akin.

"Ka-i-bi-gan." I said. Talagang inemphasize ko!

Tumango-tango siya at inakbayan ako. "Kumakain ka na?"

"Yep. Actually, hindi pa ako nakakapagsimula." I told him. Tapos ay umupo na kaming dalawa. "Tara kain tayo. Marami naman 'to."

Garnet Academy: School of ElitesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang