Chapter 38

350K 13.3K 10K
                                    

Chapter 38

Tattoos

Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Ni hindi ko nagawang lumingon, hinayaan ko na lang na marinig ang papalapit niyang mga yapak.

Hindi ko alam kung bakit sobrang naninikip ang dibdib ko.

Nahulog siya sa patibong ni Stephanie? Kagagalitan niya ba ako? Aayawan niya na ba ako?

Nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na si Kairon. He cuffed both of my cheeks. "Are you okay? Are you hurt?" alalang tanong niya.

Halos malunod ako roon. Anong nangyayari? Hindi ba galit siya sa akin? Sumigaw siya kanina, his voice was flamming mad. Bakit ngayon ay kay lambing na?

"Are you alright? Please, answer me." aniya. He even checked my body.

Nanatili akong tulala sa kanya. My heart suddenly melted and then water pooled my eyes.

Halos malimutan ko na si Stephanie na nakaupo roon sa sahig.

"Kai, ano ka ba?!" sigaw niya. "Bakit sa babaeng 'yan ka nag-aalala? Ako itong nasaktan! Ako itong nasa sahig! Are you out of your mind?!"

Hinawakan ni Kairon ang kamay ko, mainit at malambot ito. He then intertwined our fingers.

"Yes, I'm out of my mind. Kaya Steph, pwede ba? 'Wag ka nang manggulo. Tumigil ka na." Kairon's authoritative voice echoed.

Ako mismo'y matatakot doon.

Dahan-dahan akong hinila ni Kairon palayo roon. Nagpatiyanod naman ako.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa Flamma Building at sa tapat ng mga kwarto namin.

"Are you really okay? Hindi ka ba nasaktan?" Kai asked worriedly.

Umiling na lamang ako dahil sa mga iniisip.

"Pumasok ka na sa kwarto mo. Take a rest." aniya.

Saglit akong napatitig sa kanya.

"Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari?" I asked.

Hindi na kasi siya nagtanong o nag-usisa tungkol doon. Tila sapat na sa kanyang malaman na ayos lang ako.

Umiling siya. "I don't need to know... I trust you."

Ang kaninang nanigas na puso ko ay masyado nang malambot ngayon.

"P-paano kung totoo 'yun? Paano kong ginawa ko talaga 'yun? Paano kung sinaktan ko nga si Stephanie?" utas ko.

He smiled and ruffled my hair. "Kilala kita. Alam kong hindi mo 'yon magagawa."

"Pero paano kung nagawa ko kanina? Paano kung sinampal at tinulak ko nga siya?" tanong ko pa.

Why does Kairon trust me this much?

"Gaya ng sinabi ko, kilala kita. At kung nagawa mo man 'yun, alam kong may dahilan." aniya at ngumiti ulit. "Don't think about it too much. This isn't a math problem, baby. Cause whether its your fault or not, I will always be on your side."

His words touched the core of my heart.

"Wala na akong pakialam sa iba pag ikaw na ang pinag-uusapan." aniya sa halong matigas at malambot na tono.

Bakit lagi itong ginagawa ni Kairon sa akin? Hulog na hulog na ako sa kanya. Walang kawala. Walang pag-ahon.

Halos tumulo na ang kanina pang nanunubig na mata ko, napigilan ko lang ulit sila. Malakas ata ang guardian angel ko sa likod.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon