Chapter 21

422K 17K 10.3K
                                    

Chapter 21

Suspended

Pa-ikot ikot lang ako sa kwarto dahil sa kaba. Ang tagal pang bumalik ni Kairon kaya naman mas lalo lamang akong kinakabahan.

Nalaman kaya ng head mistress na umalis kami? Hopefully not! Sana ay tungkol sa kung anong project o school activity ang pinag-uusapan nila ngayon.

Mabilis ang paglingon ko nang kumalabog na ang pintuan.

"Kai!" I called worriedly.

He smiled and walked towards me. "Ang tagal ko ba?"

Tumango-tango ako. "N-nalaman ba ng head mistress na lumabas tayo?"

Agad siyang umiling. Saglit na napalagay ang aking loob dahil doon pero kitang-kita ang iba sa kanyang ekspresyon. He's smiling, but I can sense that there's something wrong. He looked so down and weary.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Muli lang siyang umiling tapos ay marahang ginulo ang buhok ko.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang telephone. Sinagot naman iyon agad ni Kairon. I was even surprised that it's on loud speaker and he didn't even care. Na para bang okay lang at walang problema kung marinig ko ang usapan nila no'ng tumatawag.

"Mom..." Kai said.

"Kairon Gonzalez! I'm so worried! How are you? Sabi ni Shawn ay naaksidente ka raw! Kung hindi pa sinabi ni Shawn ay hindi namin malalamang may nangyari na sa'yo." saad ng Mommy niya. Bakas ang matinding pag-aalala.

Magaling na halos ang sugat ni Kai pero ngayon lang nalaman ng Mommy niya. Kahit ako, kung ako si Shawn, bilang best friend ay ipapaalam ko agad ito sa pamilya niya lalo na at hindi biro ang nangyari! Kairon passed out because of that vase! Buti ngayon ay pinatanggal na ni Mrs. Montecillo ang lahat ng vase na nakalagay sa bawat corridors.

Ilang saglit pa silang nag-usap tungkol sa nangyari, no'ng naiba ang usapan ay agad naman akong naging interesado. His Mom suddenly talked about Ariyah Fuentabella!

"She looked so sad, Kai. We know her. I mean, Ariyah is a very sweet and bubbly girl. Pero no'ng huling bisita nila ay malungkot ang aura niya. Nag-aalala kami kasi baka namimiss niya kayong dalawa ni Shawn. Kinakamusta mo ba siya?"

Bumuntong hininga si Kairon. "I got really busy these past few days... But Shawn always call her anyway."

Nanatili akong malapit kay Kairon at kunwaring nag-ayos ayos na lang ng mga gamit. Ayaw kong pumasok sa kwarto. I really wanted to hear their conversation! Hindi ako chismosa, ah! I'm just curious!

"Pero, anak, si Shawn 'yon. It'll be different kung ikaw." His Mom's voice sounds so sweet and caring. Nakakatuwa sigurong mapalapit sa kanilang pamilya. Gaya ng alam ko, magkakaibigan ang mga magulang nina Kairon, Shawn at Ariyah, dahilan ng pagiging malapit din nila.

"What's the difference, Mom?" Kai asked in full tone.

"You know it, anak... Ariyah likes you. It'll be better kung kamustahin mo manlang-"

"Please don't go there, Mom. Shawn is always there for her, I don't think that she needs me..." Kairon thrailed off. Halos napahinto ako sa mga naririnig. "But I'll call her, I promise."

Hindi ko alam kung bakit biglang naghuhuramintado ang puso ko. Dahil ba sa tatawagan ni Kairon si Ariyah? O dahil sa nalamang may gusto si Ariyah kay Kairon?

Damn this heart! It's racing so fast!

Nanatili ako sa puwesto. I am not a masochist, but I badly want to hear them talk! Come on!

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon