Chapter 25

397K 16.4K 6.2K
                                    

Chapter 25

Flamma Girl

Hindi ko alam kung bakit malakas ang tibok ng puso ko nang tawagin ako ni Daddy.

"D-dad..." banggit ko.

Kitang-kita ko sa aking peripheral vision ang gulat na ekspresyon ni Kairon. I never mentioned my Dad to him. Ang alam niya lang ay may nanay ako na siyang katulong ni Kuya Beau. Iyon lang.

"Who is he?" baling ni Daddy kay Kairon.

Napalunok ako. "H-he's a friend, Dad."

Tumango naman ang Daddy. "I want us to talk alone, anak."

Bumaling ako kay Kairon, nahihiya. "Kai-"

Hindi pa ako tapos ay tumayo na siya. "Naiintindihan ko." aniya tapos ay yumuko kay Daddy bago umalis.

Agad akong natakot sa maaaring iniisip ni Kairon ngayon. One thing is for sure, alam niyang marami akong hindi sinasabi sa kanya.

Yumakap agad ako kay Daddy nang lumapit siya sa akin. "I'm so scared, Dad." hikbi ko. "Si Kuya, paano siya? Okay na ba siya? Ligtas na ba siya?"

Hinagod ng Daddy ang aking likod. "Nakuha na si Beau sa tuktok ng gusali. He's unconscious up to now." mahinang sabi ni Dad.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa balita. Saglit na napalagay ang loob ko dahil nakuha na si Kuya, pero hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Iyon ang problema.

"Dad, gusto kong makita si Kuya. Puntahan natin siya ngayon, please." I begged.

Tumango naman si Daddy. "Sige, ipapaalam kita sa head mistress. Pero saglit lang, Paige. Babalik ka rin agad dito."

Pumayag na ako. All I want is to see Kuya Beau right now.

Okay naman na ako sabi ng doktor. Nahimatay lang ako dahil sa pagod. Ang sabi ni Daddy ay ayusin ko muna ang mga gamit na dadalin ko at siya naman ay kakausapin sandali ang head mistress.

Kabado akong naglalakad papunta sa kwarto. Paano kung nandoon si Kairon? How can I explain everything to him? How will he react about this?

Malalim akong huminga bago pinihit ang door knob. Dahan-dahan akong sumilip, pero walang Kairon akong nakita.

Dalawang body guard ang nakasunod sa akin. Sinabihan ko sila na roon na lang sila sa labas ng kwarto mag-antay kaya naman ako lang ang pumasok sa loob.

Agad akong nagpunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang aking bag at nagdala lang ng extra shirt at jacket. Nang sa tingin ko'y sapat na ang dala ay lumabas na rin ako.

I almost gasped when I saw Kairon sitting on his bed. He immediately got up and walked straight to me.

"What's happening Paige?" he asked. His tone is so soft.

Nanatiling tikom ang bibig ko at hindi alam ang sasabihin. Nagulat pa ako nang makita na ang dalawang body guard na kasama ko ay nasa loob na rin ng kwarto ni Kai.

"Who are these people?" tanong pa niya. "That man earlier, is he really your Dad? At bakit tinawag ka niya sa ibang pangalan kanina? You're Paige Manuel, right? You're my Paige."

Parang kinikurot ang puso ko sa mga katanungan niya. To sum it all up, wala naman talaga akong kinwento sa kanya na kahit na ano tungkol sa buhay at pamilya ko. Kung meron man, puro kasinungalingan lamang iyon.

"Kai-"

Napatigil ako nang magsalita iyong isang guard. "Ms. Paige, pinapatawag na ho kayo ng Daddy n'yo." anito.

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now