Chapter 44

319K 11.8K 3.8K
                                    

Chapter 44

Forget

It's ironic how the more you want to forget about something, the more you seem to remember it.

As days, months, goes by, I'm trying everything that I could to forget. I want to forget it all. Especially him... I want to forget him.

Everytime he crosses my mind, I'm still having that pain in my chest.

It's really hard to forget someone who gave you so much to remember.

Kung tutuusin, ni hindi naman kami tumagal. Ni hindi nga kami umabot ng taon. Isang buwan lang halos ang naging relasyon namin, pero iba ang naging epekto niya sa akin.

Kaya walang sino man ang papahintulutan kong maliitin ang nararamdaman ko. Hindi dahil sa saglit lang ang naging relasyon ay dapat na saglit lang din ang sakit.

We all have a different level of sensitivity. Kung sa iba maliit na bagay lang iyon, sa akin masakit na iyon.

He became a part of me in that short period of time... And that's what making it worst.

May mga pagkakataon na naiiyak na lang ako. Sa totoo lang, nakakapagod na lang din iyong sakit.

Napabalikwas ako nang may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto. I immediately wiped my tears away.

Sinuklay ko muna ang buhok bago buksan ang pintuan.

Jaxith Pereira, wearing his black hoodie, glaring at me like I'm some kind of a joke.

"You look like shit." ani Jax.

Halos maubo ako kaya naman tinapik ko ang kanyang braso. "Kainis 'to!"

He laughed a bit. "By the looks of it, you need something. Hmm... Pizza or beer?"

"I don't drink!" bulyaw ko kay Jax. "But it seems like I need it."

Nagbihis na ako dahil inaya kong magbar si Jax. I've never drink in my entire life! Ang tanging alam ko lang ay mapait iyon dahil ang sabi ni Kuya, lasang ampalaya daw na shinake. Iyon ang panakot niya sa akin dati no'ng gusto kong sumubok na tumikim. Hindi pa rin ako nakakapunta sa bar. Pero may idea na ako sa lugar na iyon dahil madalas ko ring makita sa mga palabas.

Ang sabi rin sa movies, pansamantalang makakalimot daw pag uminom. I freaking want that!

I'm wearing a plain white fitted off-shoulders and maong ripped shorts. Si Jax naman ay hindi na nagbihis. Naka hoodie siya at pants.

"Are you sure about this?" naningkit ang mga mata ni Jax.

"Oo nga, Jax! Gusto ko talaga! Legit!" sabi ko at sumakay na sa Mustang niya.

May kasama kaming anim na body guards. Tatlo galing kila Jax at tatlo galing sa amin. Nagpaalam ako kay Daddy na lalabas kami ni Jaxith. Agad naman siyang pumayag, magdala lang daw kami ng sapat na body guards.

Sa totoo lang, kung minsan, mas mahigpit pa si Kuya kesa kay Daddy. Kapag kay Kuya ako magpapaalam, malamang ibubuka ko pa lang ang bibig ko eh papapasukin niya na ako sa kwarto ko. He's that over protective. I love him, though.

We've went to a bar along BGC. Ang sabi ni Jax, isa ito sa mga high end bars kaya tiwala siyang safe kami rito.

Hindi ganoon karami ang tao. Perfect dahil hindi crowded. Umupo kaming dalawa ni Jax sa counter. He ordered something at napanganga na lamang ako dahil wala akong ni isang ideya kung ano iyon.

"J-jax... Order mo na rin ako. I have no idea what to get." sabi ko sa kanya.

Napangiti siya at may sinabi na kung ano roon sa Bartender.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon