Chapter 23

372K 14.6K 3.3K
                                    

Chapter 23

Day Tour

Sinundan ko lang si Kuya Beau hanggang makarating kami sa area na kaming dalawa lang.

Bitbit ni Kuya ang maleta niya at isang backpack.

"Finally, I'm back. Sakto nga at bukas na pala ang day tour." ani Kuya. "Nag-ayos ka na ba ng mga gamit mo?"

Tumango-tango ako. Hindi mapakali dahil gustong gusto ko na sabihin kay Kuya na umamin na kami!

"It'll be fun. Magdala ka ng extra clothes in case." sabi pa ni Kuya.

"Umm, Kuya... I have something to tell-"

"Anyway, lil sis, I need to bring my things in my room. Kailangan ko pang mag-ayos ng gamit para bukas. Sobrang jetlag pa dahil sa byahe." aligagang sabi ni Kuya tapos ay humalik siya sa ulunan ko bago umalis.

Ni hindi na ako nakapagsalita! Oh my God!

Napasabunot na lang ako sa mga nakalaylay kong buhok. Damn it!

Pumunta muna ako sa auditorium para makinig sa head mistress. Hindi ako mapakali dahil alam kong si Kairon ay nagpapakahirap ngayon. This is stressing me so much!

Pagkatapos ng announcement ay nagmamadali akong bumalik sa kung saan ko huling iniwan si Kairon pero wala na siya roon.

Hingal akong nakarating sa kwarto namin. Umaasang nandoon na siya. And I'm right!

I saw Kairon in his plain gray sweatshirt and maong shorts that's reaching his knees. Nakaupo siya sa couch at hinihilot ang kanyang sentido.

I immediately got worried about him. "A-are you okay, Kai?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. He seems so problematic.

I suddenly felt so guilty. Guilty dahil sa wala akong nagawa. Ni hindi ko nakausap si Kuya kanina! Bukas na ang day tour! Kailan ko pa siya makakausap?!

"I'm worried about you," he said and walked towards me.

Kumunot naman ang aking noo. At bakit naman siya worried sa akin?

"H-ha?" Ako ngayon ay naguguluhan. Siya naman ay nasa harapan ko at nakapamulsa.

"Tomorrow is the day tour, right? I won't be there. I'm worried about you because I know you'll miss me."

Napapikit-pikit ako. Tama ba ang mga narinig ko?

"Hindi mo makikita ang mukhang 'to." aniya sabay himas sa kanyang baba! "Tsk tsk. Walang gwapo ro'n."

Natawa ako at inikutan siya ng mata. "Meron. Nandoon kaya si Be-"

Bago ko pa sabihin ang pangalan ni Kuya Beau ay pinigil na ako ni Kairon. Mabilis siyang umiling.

"'La nga." aniya at tinalikuran ako para uminom ng tubig. Tamporurot agad!

"Oo na. Mamimiss na!" agap ko.

Agad naman siyang lumingon sa akin at kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang mukha. The best view I've ever seen in this academy!

Muli siyang lumapit sa akin at kinuha ang isa kong kamay. "Take care, alright."

Tumango ako. "Hindi ka na ba talaga makakasama?"

Malungkot siyang umiling. "I'll just wait for you. Have fun, okay?"

Ngayong araw na ang day tour at hindi buo ang damdamin ko rito. Masaya dahil makakapunta kami sa ibang lugar. Malungkot dahil hindi kasama si kay Kairon.

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now