Chapter 47

286K 12K 6.3K
                                    

Chapter 47

Dance

Nadurog ang lahat sa akin. Hindi unti-unti. Biglaan iyon at masakit.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. I can't even respond! Dinadigest lang ng utak ko ang sinabi niya. My eyes are getting watery and I'm trying my best to stop it.

"Iyon ba ang gusto mong marinig mula sa'kin?" aniya. Ang tono ay nag-iba at tila lumambing na.

Before I can even react, umalis na siya sa harap ko at pumasok na sa sariling kwarto. Ang naninikip na dibdib ay unti-unting lumuwag.

Jax suddenly came out of his room.

"Oh?" aniya at lumapit sa akin.

Gustong-gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya. Gusto kong umiyak sa kanya, pero alam kong hindi iyon makakabuti dahil baka magresulta lang ito ng away.

I forced a smile. "Kain tayo, Jax."

-

Maaga akong gumising dahil ngayon ang first day ng klase. Jax and I have the same classes dahil pareho lang naman ang course namin.

Gabi na kami nakauwi kahapon dahil nanuod pa kami ng movie. Gusto ko kasing makapagrelax. Inaya ko si Kuya pero ayaw niya. Busy daw siya.

He's been crazy busy simula no'ng dumating siya rito! And I also haven't seen Ate Thea.

Kabado akong naglalakad sa hallway. I never thought that I'll be here again after what happened. I actually applaud my self for the braveness.

Pagkadating ay wala pang Propesor sa loob. Iginala ko ang mga mata ko para hanapin si Lia pero wala akong nakita. Hinila ako ni Jaxith doon sa mga bakanteng upuan sa harapan.

"Dito na lang tayo." aniya.

Tumango-tango ako at tumabi sa may kanan niya.

"Hay nako. Grabe 'no? Pagkatapos sa isang Flamma, sa panibagong Flamma naman. What a flirt!" dinig kong sabi no'ng isang babae na batid ko ay kaibigan ni Stephanie.

Kahit hindi niya iyon sinabi sa harap ko alam ko na ako ang pinaparinggan niya!

"So what? Flamma naman siya. Shut up you filthy rat!" nagliwanag ang mga mara ko nang makita si Lia na pumasok sa room.

Something is different about her. Ang blooming blooming niya!

"Lia!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya. Niyakap ko ang kaibigan dahil sa lubos na pagkasabik. "I miss you!"

It feels like we've not seen each other for years!

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang umiyak. "I'm so happy that you're fine... And I miss you more!"

Hinagod ko ang likod niya.

"I'm so worried about you." ani Lia, humihikbi na ngayon. Aw, I love her.

"I know... Gusto kitang tawagan or itext manlang, but Kuya Beau confiscated all my gadgets." sabi ko.

Tumango-tango siya na parang alam na.

"A lot happened simula no'ng araw na 'yon. It's a mess. Nadamplisahan ng bala si Mac, hindi ko alam yung gagawin ko, ikaw nawala ka na lang bigla... Sobrang gulo. Tapos pagbalik sa Academy, dinampot si Kairon ng mga-"

"I-I don't want to hear it, Lia. I'm sorry. Pero... ayoko lang talagang pag-usapan pa 'yun. It bothers me so much." sabi ko at yumuko.

"I understand." aniya at inaya akong umupo.

Pagkaupo ay doon ko lang naalala na nandito pala si Jax!

"Ay, Lia. Meet Jax, close friend namin ni Kuya." pagpapakilala ko. "Jax, si Lia, kaibigan ko rito."

Naghello sila sa isa't-isa at iyon na 'yun. Dumating na kasi ang Propesor namin. Palinga-linga ako sa mga kaklase. Kagaya pa rin naman ng dati. Kulang nga lang. Nasaan si...

"Sorry, late." Kairon's husky voice echoed to the whole room.

Pumasok siya at kasama ang nakabuntot na si Stephanie... Oh, okay. I should have seen this coming.

Hindi ko alam kung bakit bahagyang nanikip ang dibdib ko.

I tried to focus on the lesson. But the idea of Kairon and Stephanie dating makes me want to vomit. It makes me so angry and frustrated! It irritates me that I've been such a foolish! Napaikot nila akong dalawa kung ganoon nga.

"Huy, 'yung noo mo." ani Jax. Tinutukoy ang nakakunot kong noo. Dinutdot-dutdot niya pa!

"Eh kasi, eh." giit ko kay Jaxith kahit alam kong hindi naman niya maiintindihan ang hinihimutok ko.

I gulped. Sa paglingon ko, nakita kong nakatingin si Kairon sa amin! And he looks so damn furious! What the hell is his problem? Or baka ganyan lang talaga siya tumingin dahil nagmamayabang? Damn him!

Sa PE Class namin, it's all about Dancing. Iba't-ibang klase ng mga sayaw ang aaralin namin. As for today, it's Ballroom Dance. So technically, kailangang may kapartner.

Nasa isang malaking rehearsal room ang buong klase ngayon. Malamig, puno ng mga ilaw at napapaligiran ng mga salamin ang kwarto. Makintab din nag sahig dito, akmang akma para sa sayawan.

"Class, find your partners. We'll start in a bit." anang Professor.

Nanatili akong nakatayo. I'm observing everyone. Kanya-kanya silang aya sa makakapartner nila.

My brows suddenly furrowed when I saw Kairon Gonzalez. B-bakit siya papalapit?!

Nabaling ang atensyin ko kay Jaxith nang bigla niya akong akbayan. "Partner." aniya. Ngumiti ako at tumango.

Kay Jaxith naman talaga ako makikipagpartner ano man ang mangyari! Pero kasi kitang-kita ko ang mga hakbang ni Kairon!

Ginulo nito ang sariling buhok at tumalikod na lang bigla.

As expected, si Stephanie ang kapartner niya. I'm so stupid! Ang feelingera mo naman, Paige! As if makikipagpartner ang taong iyan sa'yo!

Dahil sobra kami ng isa, kinuha ni Sir Gilbert iyong sobrang babae. Nagdemo sila sa harap at iyon ang ginaya namin.

Jax held both of my hands. "So, how do we do this?" aniya.

Natawa ako. Some guys will probably not care and just go with the flow. Jaxith Pereira is different. Gusto niyang inaaral ang mga bagay-bagay. He's very competitive. Ayaw na nagpapatalo.

"Don't be so serious, Jax." natatawa kong sabi."

He chuckled. "I know someone who'll be as serious as me at this moment."

Napatingin naman ako sa kanya. "Sino? Hmm... Dapat na ba akong magselos? May iba ka nang best friend?"

Naningkit ang mga mata ko, binibiro siya.

"Tss. Nandito nga ako sa'yo ngayon, eh. Magseselos ka pa?"

Natigil kami nang magsalita si Sir G. "Guys, ito ang next step. Liliyad ang babae at itataas ang kaliwang tuhod. Si Lalaki naman, hahawakan ang likod ni Babae to support. Then look at your partners intently and with love... as much as possible."

Gagawin na sana namin ni Jaxith ang sinabi ni Sir G nang biglang may nagsalita.

"'Yoko na po." ani Kairon at lumayo sa kapartner.

What the heck?

"Huh? What's wrong?" tanong naman ni Sir Gilbert.

"Ah, basta. Hirap. Iba na lang po muna." anito.

Anong mahirap doon? Madali lang kaya ang pinapagawa! At basic nga lang daw iyon, eh!

"Anong gusto mong ipalit muna natin?" tanong pa ni Sir.

I can't believe that he's actually listening to that guy!

"Umm..." sabi ni Kairon at tila nag-iisip ng maigi. "Zumba, Ser."

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon