Chapter 36

340K 12.4K 11.3K
                                    

Chapter 36

Marriage Booth

Hindi na magkandaumayaw ang nararamdaman ko. I can feel the whole zoo in my stomach! And damn, hindi pa siya kumakanta niyan, ha!

Sobrang lakas ng tilian ng crowd. Buti na lang at nasa unahan ako kaya ayos lang.

Tumikhim si Kairon tapos ay biglang nagsimula na ang tugtog. Si Shawn ang siyang nag gigitara at hindi ko alam na magaling pala siya!

"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold..." panimula ni Kairon.

Una pa lang ay halos magpalpitate na ako. Kairon Pierce is so freaking good!

"I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul..."

Feeling ko, pulang-pula na ang pisngi ko ngayon.

Why do you have to do this? Baka atakihin ako rito, Kairon!

"I know that you are something special
To you, I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me..."

Ramdam na ramdam ko ang kanta at alam kong kinakanta niya ito ng buong puso kaya naman higit na espesyal.

His voice is so good. I knew it! No'ng marinig ko palang siya sa CR noon ay bilib na bilib na ako. And now, he, singing on stage is just so surreal.

"You're the one I want to chase
You're the one I want to hold..."

My heart is beating extremely fast. Gusto ko na lang tumakbo roon sa stage at yakapin siya. Kung pwede lang...

"I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah."

Halos magwala ang lahat pagkatapos ng kanta. Ang iba'y nagtayuan, nagsigawan, nagpalakpakan at nagpaluan pa.

At ako'y nanatiling nakaupo at nakatingin sa kanya. Wow, just wow.

Hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat.

Sapat na iyong marinig siyang kumanta, pero ang ialay pa sa akin iyong awitin ay nakakabaliw na.

I almost melt when our eyes suddenly met.

Kumindat siya sa akin at ako nama'y mahihimatay na ano mang oras sa ngayon. Damn you, Kairon! Oo na! Ang gwapo mo, ang galing mo at gustong gusto talaga kita!

Pakiramdam ko, nasa alapaap na ako.

Nabasag ang lahat nang marinig ko ang kumento ng mga kaibigan ni Stephanie na nasa likod lang namin.

"Gosh, Steph! Kinindatan ka ni Kairon!" sabi nito.

"Ikaw ba ang tinutukoy niyang baby girl? Ang swerte mo naman, Stephanie!" dagdag pa no'ng isa.

Halos mabilaukan ako. Asa! Ako 'yun! Ako lang!

Nagkibit balikat na lamang ako dahil ano nga bang alam nila? Wala naman.

Dapat ay maging masaya lang ako at hayaan na lamang ang mga negatibo. I should care less.

Hapon nang maging busy ang bawat clubs pati na rin ang sa booths.

Marami rin ang nag sign-up sa cooking club. Karamihan ay mga babae, dahil kakaunting lalaki lang ang interesado sa pagluluto.

Naghanda ako ng mga materyales gaya ng mga iba't-ibang kitchen utensils at cook books.

Cookies ang una naming ginawa. Sunod naman ay lasagna. Naging masipag ang iba kaya naman marami kaming nagawang putahe.

Habang nagmamarinate kami ng chicken wings ay aksidenteng natapunan ako no'ng hot sauce. Kumalat agad iyon sa suot kong t-shirt. Damn! Bakit ko ba kasi tinanggal 'yong suot kong apron kanina? Ayan tuloy!

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon