Chapter 54

309K 12.6K 14K
                                    

Chapter 54

Care

Nanatiling tahimik si Kuya. His lips are closed, but his eyes speak volume. There's something in it. I can tell it, I know him.

"Magsalita ka, Kuya!" I'm now frustrated.

"Wala akong dapat sabihin." aniya at lumakad palayo. Hinatak niya ang puting tuwalya na nakasabit sa rack.

Mabilis akong humarang sa comfort room niya dahil alam kong doon siya pupunta.

"Kuya naman!" I shouted. "Do you want me to go talk straight to Dad regarding this?!"

Hinarap ako ni Kuya, kinunotan lamang niya ako ng noo.

"Paige, okay na ang lahat. Please leave this issue fucking alone." iritableng sabi ni Kuya.

Natigil ako at hindi ko alam kung bakit nagsimula nang tumulo iyong mga luha ko.

"The way you're acting up right now, halatang meron kang dapat ipaliwanag sa'kin...." Mariin kong tinignan si Kuya Beau. Inayos ko rin ang tayo ko. "So, totoo nga, Kuya? Totoong nagpukulong tayo ng inosenteng tao?!"

"We're just following the process, alright! Nakulong lang naman siya hanggang sa matapos din ang kaso! Napawalang sala rin naman siya!"

Umawang ang labi ko. I did not expect this statement at all.

Bumaba ang mga balikat ko na tila nawalan ito ng lakas. Mas nilapitan ko pa si Kuya ngayon. "Totoong walang kasalanan si Kairon? Totoong hindi siya ang bumaril sa'kin?!"

Hindi sumagot si Kuya pero base sa kanyang reaksyon, alam ko na ang sagot. Patuloy pang umagos ang luha sa mga mata ko. Mas marahas pa ngayon.

"Sinungaling ka! Paano mo nagawang magsinungaling sa sarili mong kapatid?!"

Now everything is getting clear! Kaya pala! Kaya pala pakiramdam ko maling-mali ang trato ko kay Kairon. Kaya pala ang gaan-gaan pa rin ng loob ko sa kanya at wala akong naramdamang nikatiting na takot sa presensya niya. Kaya pala hindi mawala-wala ang damdamin ko para sa kanya dahil una sa lahat, wala siyang ginagagawang masama. Fuck!

"Hindi ako nagsinungaling sa'yo! Hindi ko lang sinabi. Magkaiba 'yon." pagdadahilan ni Kuya na mas lalong nagpakulo sa dugo ko.

"Not telling me something or hiding something on purpose is just the same as lying." I said loud and clear. "The lie is the truth never mentioned."

"Well, not in my watch. I did that to protect you!" he reasoned out.

"Protect me from what, Kuya? Ayan ka na naman, eh. Ayan ka na naman! Gusto mo akong protektahan pero hinayaan mo akong masaktan ng gano'n? Hinayaan mo akong isipin na sinubukan akong patayin ng taong mahal ko!" I shouted.

I cannot contain myself. I am so mad at him. I am so mad at the decisions he made for me.

"Do you have any idea how that incident ruined me, Kuya?" I asked him.

I want to see the regret on his face. But there's none.

My heart hurts so bad right now. That incident torn me down into pieces. I am still coping up with it. But here's the truth being slapped to my face.

"Hirap na hirap akong buohin 'yung sarili ko! At hanggang ngayon hirap na hirap pa rin ako!" I put both of my hands on my face to cover it. My tears are flowing nonstop. "I love him, Kuya. And if you only told me everything way before, it wouldn't be like this. I wouldn't be this hurt and he wouldn't be such a cold soul... He's a good man, Kuya. Hindi niya dapat pinagdaanan 'yon!"

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now