Chapter 22

388K 14K 4.4K
                                    

Chapter 22

Punishments

Hindi ako makatulog. Kairon Gonzalez just kissed me on my forehead!

Ang kaninang pinipigilang kilig ay ngayon ko lang mailalabas. Agad kong kinuha ang aking unan, ibinaon ko ang mukha ko roon at saka tumili.

This is insane! My heart beats so fast... Faster than the most expensive racing car, faster than a high class jetski and a hungry cheetah!

Ipinadyak ko ang aking mga paa na parang isang batang tuwang-tuwa dahil napangakuan ng laruan.

This is all new to me. Sure, my Dad kisses me like that. And my Kuya, too. But Kairon is just so different. It's such a foreign feeling when he did it! Crazy!

Pakiramdam ko'y makakatulog ako ng may malaking ngiti sa labi.

Kinabukasan, pinauna na ako ni Kairon na pumasok dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Doon ko lang ulit naisip na may problema pa kaming kailangang harapin.

Magdamag sa klase ay iyon lang ang aking iniisip. Ano ba ang maaari kong gawin para kay Kairon? Para sa aming dalawa? Should I tell the head mistress that I'm Beau Patrick Santiago's sister? That I am a Santiago heiress?

I released a long and deep breath. I'm afraid that the head mistress will not going to believe me. Baka magmukha akong katawa-tawa sa harapan niya... Na ang isang Aeris ay naglalakas loob magpanggap na Flamma.

While taking down some notes, I suddenly got an idea. Aamin na ako pag nandito na si Kuya Beau! Kailangan ko lang muna siya kausapin tapos ay kukumbinsihin ko siya sa desisyong pag-amin. Tama!

"Ang lalim ng iniisip mo. Baka malunod ka, friend!" si Lia iyon.

Bumaling ako sa kanya. "Hindi naman. Napaisip lang ako bigla."

"Tungkol naman saan?" tanong niya habang nagsusulat din ng notes.

Umiling lamang ako. Lia is my closest girl friend in this academy. I trust her. Halos gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa akin pero nangako na ako sa aking sarili. Nangako ako na si Kairon muna ang makakaalam bago ko ipaalam sa iba.

"Anyways, excited na ako sa day tour natin sa Sabado." ani Lia na agad ko namang ipinagtaka.

"Day tour?" tanong ko, wala ni katiting na ideya tungkol doon.

"Ay, oo nga pala. Hindi pa na announced ng head mistress... Well, iyon ang pinagmi-meetingan namin nila Mac. Ang tungkol sa day tour, more like a sight seeing tour natin sa Batangas."

Halong gulat at tuwa ang naramdaman ko. Gulat dahil lahat ng estudyante ay pinayagang lumabas ng academy at tuwa dahil makakapamasyal kami.

"Hindi ba delikado?" tanong ko. Kahit excited ay syempre takot pa rin ako sa planong paglabas.

"Nope. Tradisyon na ang once in a year day tour sa academy. Fully secured naman at ang pupuntahan ay siguradong tayo lang ang mga tao dahil nirent ng school ang buong lugar." saad ni Lia.

Tumango-tango ako. I can't wait to talk about this day tour with Kairon!

"Buti kasama rin kaming mga Aeris." sabi ko.

"Syempre, dapat lang. Kahit ano pang rank mo, pare-pareho naman tayong estudyante rito." Ngumiti si Lia. "Required sumama ang lahat. Maliban nga lang sa mga Flamma... Dahil may choice sila kung sasama sila o hindi. Perks of being royals."

Natawa naman ako sa sinabi ni Lia.

"Alam mo bang irita ako sa lahat ng mga Flamma noon? Nagagawa kasi nila ang lahat ng gusto nila. Pati ang pambubully ay malaya nilang nagagawa!" daing ni Lia. Halos bumaon na ata ang ballpen niya sa kanyang notebook. "Pero nagbago ang tingin ko sa Commander dahil sa'yo. Hindi ko alam na may tinatago siyang kabaitan... Kaya lang si Stephanie? Ang bruhang iyon? Kay kapal ng mukha!"

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now