Chapter 34

384K 14.3K 8.5K
                                    

Chapter 34

Always

Aalis na sana ako pero nabigla ako nang bigla akong hinawakan ni Kairon ng mahigpit.

I saw how Stephanie's reaction changed when she saw what Kai did.

"I'm sorry, Steph. But Paige and I will be having lunch together." diretsong sagot ni Kairon.

Ako man ay lubos na nagulat!

"Umm, but... She just really wanted to thank you! Tayo na lang ang magsabay na kumain so we can also talk to my Mom. My treat!" Stephanie offered.

She would really go this far?

"No, thanks." ani Kairon. "Kung magpapasalamat siya, then she's welcome. Tell her that I'm glad to help. I believe that everything is already settled and that we don't need to talk it out. Sige, una na kami."

Nakaawang ang bibig ko nang mahina akong hinila ni Kairon papunta sa canteen.

Naiwan si Stephanie roon na gulat na gulat din sa mga sinabi ni Kairon.

"B-baka may sasabihing importante ang Mommy ni Stephanie bukod sa pagpapasalamat..." sabi ko na lang.

Medyo naguilty kasi ako sa mukha ni Stephanie. Malamang ay iisipin niya na dahil sa akin kaya hindi sumama si Kairon!

"I don't think so." aniya at dirediretso lang ang lakad.

"Paige!" kumaway si Lia nang makita kaming naglalakd papalapit sa kanila.

Nandoon na rin si Kuya Mac, Shawn at Lancer.

Wow, buti pumayag si Kuya Mac na tabihan siya ng mga ito!

"Dahil sa nagtagumpay tayo sa ating mission, here's my treat! Kainan na!" hayag ni Lia.

"Tss. Akala mo naman kung anong mission, parang 'yun lang..." hirit ni Kuya Mac habang nagbabasa ng libro.

Ang dami niya nang kasama, nakatutok pa rin siya sa libro niya! Iba talaga itong lalaking ito.

"Anong parang 'yun lang?! Ang cool kaya!" giit pa ni Lia.

Uy hehe. Ang cute naman nila! Hindi pa sila, LQ na agad!

Maraming binili si Lia. Umorder siya sa GA Mall ng mga pagkain kaya parang may mini fiesta dito sa table namin.

Tahimik lang na kumakain ang lahat nang biglang dumating si Ate Thea at Andy.

"May student council lunch ba na hindi namin alam?" pagtataka ni Ate Thea.

"Anong meron mga beks?" tanong naman ni Andy.

Natawa na lang kami at pinaupo sila para sumabay kumain.

Napapakamot na lang ng ulo si Kuya Mac. Lalo ko tuloy na miss si Kuya Beau. Mas masaya kung kasama namin siya.

"Since everyone is here, I just want you all to know that we will be having a meeting later for the school fair." pinal na sabi ni Kairon.

"Stephanie is not here, though. Sabihan ko na lang siya later." sabi naman ni Ate Thea.

Halos maubo ako nang marinig ko ang pangalan niya.

I need to relax myself. Lalo na at makakasalumuha ko na naman siya mamaya sa meeting.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa SCO. Nauna na si Kairon dahil may kailangan pa siyang kunin sa opisina ng head mistress.

Nagulat ako nang biglang may kasabay na akong maglakad sa bandang gilid ko.

"Lancer?!" baling ko sa kanya.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon