Chapter 12

404K 19K 7.8K
                                    

Chapter 12

Priority

Nang marinig ko ang boses ni Kuya ay tila biglang lumakas ang aking loob kahit na namimilipit na ako sa sakit.

Pinipilit kong makatayo. Kanina ay wala na akong balak pa dahil alam kong hindi naman ako makakalaban, wala na ring saysay ang pagiwas ko. Pero ngayong pwede ko nang maipakita ang kakayahan ko... Lalaban na ako.

My head is spinning a bit but I still managed to stand up. Naririnig ko ang paghiyaw at ang pag-cheer ng iba kay Stephanie.

I positioned my self as I tightly closed my fists.

I'll give you a clean fight, Stephanie.

"Matibay ka," ani Steph sa mapait na tono.

Nanatiling tikom ang bibig ko at nagfocus na lang sa laban. I'm determined to win this fight.

I was hurt, but it does not mean that I'll give up already. Sometimes, hurt serves as a motivation.

Nakangiti si Stephanie habang panay ang ikot namin sa ring at humahanap ng bwelo.

"Akala mo ba kaya mo ako? You're a pathetic trash! You don't deserve to be here in this school!" asik niya.

"Let's just finish this quiz, Stephanie. Pagod na ako." I told her.

Mabilis ang naging kilos niya. Agad nakapunta si Stephanie sa harapan ko. She tried to punch me but I am able to block it using my left hand. Doon din ako nagkaroon ng pagkakataon upang magpakawala ng isang suntok gamit naman ang kanang kamay ko. Natamaan ko ang gilid ng kanyang labi at mabilis iyong dumugo.

"Ouch! You bitch!" daing niya at umamba ng suntok na muli kong nailagan.

Sobrang agresibo ng kanyang mga kilos.

Nang makakita ako ng tiyempo ay doon ko nagawang sipain siya sa kanyang kaliwang binti dahilan nang pagkabagsak niya. Everyone is screaming. Nakarinig pa nga ako ng iilang mura para sa akin.

Biglang pumito ang aming Prof, hudyat na tapos na ang laban.

Bakit kanina no'ng bumagsak ako ay hindi pa rin itinitigil? Ganoon ba talaga pag hindi Flamma? Pag hindi mataas ang ranggo? Okay lang na masaktan?

Pagod na ako at ramdam na ramdam ang sakit ng katawan. But I can't help not to think ill about the reality... If you have the power and money, everyone seems to be in your side. If not, then all you have is yourself.

How fuck up is that, huh?

Stephanie is now crying like a baby. Hawak niya ang kanyang hita at panay ang iyak. I felt sorry, but I gave her a clean fight.

What she did to me is far worst!

Bumaba na ako ng ring at agad lumapit kay Kuya. My head is spinning like crazy.

"Kuya," tawag ko.

He looks so devasted. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"I'll bring you to the school hospital, okay? I'm so sorry." ani Kuya.

Ngumiti lamang ako at tumango.

I understand why Kuya doesn't want me to fight in the first place. Pero no'ng makita niya akong nasaktan na, I know he wants me to fight back and defend myself.

Alam kong ayaw niya akong nasasaktan. Parehong pareho sila ni Daddy.

Bago pa man ako makahakbang palayo ay nakita kong dumating si Kairon at nagmamadaling umakyat sa ring. Bawat hakbang niya ay tila inaapakan ang aking puso.

Garnet Academy: School of ElitesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora