Chapter 16

411K 17.5K 6.8K
                                    

Chapter 16

Promise

"Hindi ka na nagreply sa mga text ko. Out of coverage area ang phone mo. Nag-alala ako kaya nagpabook agad ako ng flight pauwi." mabilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin at mariing nakikinig sa kanya. "Buti na lang umuwi ako."

"Shh, Kai. 'Wag ka na magsalita. You're bleeding. Kailan mong madala sa school hos-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ay biglang bumagsak ang ulo ni Kairon sa aking balikat. Fear strucked me.

"Kairon? Kairon?!" sigaw ko habang patuloy na inaangat siya mula sa aking balikat. Shit! He's unconscious!

"Tulong! Tulungan n'yo si Kairon!" sigaw ko pa.

Paglingon ko ay nasa likuran ko na si Lia. Mabilis ang mga pangyayari. Nagkumpulan na ang lahat. May mga lalaking estudyante na binuhat si Kairon. Tumawag ng ambulance si Lia. Ang mga ibang estudyante naman ay nagtilian nang makitang walang malay si Kairon at duguan ang ulo. Wala akong nagawa kung hindi ang matulala sa lahat.

When the school ambulance came, I did not think twice. I ran to where they carried Kairon. Halos tumalon ako para mabilis na makasampa sa sasakyan at makasama sa pagsugod sa kanya sa hospital. Adrenaline rush is all over my body.

May mga nurse na ginawan ng first aid si Kairon para tumigil ang bleeding. Nasa sulok na parte lamang ako nang sasakyan. I am silently hoping, wishing and praying that he's okay. That he will be okay.

When we've reached the school hospital, everyone is on a rush. It's like a scene in a movie. Mabilis na itinatakbo ng mga nars at doktor ang kamang may gulong kung saan nakahiga si Kairon. Panay din ang takbo ko para makasunod. Hindi ko maatim na mawala si Kairon sa aking paningin. I need to be with him no matter what!

Nanginginig ang mga tuhod ko nang pinahinto na ako ng isang nurse. Hindi na raw ako pwedeng pumasok doon sa emergency room.

Nanghihina akong naupo sa mga upuan doon. I can feel the heaviness in my eyes. The tears I am holding are now to full.

This is all my fault.

Ako ang dapat na nandoon ngayon sa ER. Ako ang dapat na natamaan ng vase na iyon.

Ilang saglit pa ay dinaluhan ako ni Lia.

"Okay ka lang ba?" she asked and hugged me.

Pagod akong yumuko sa kanyang balikat.

"Natatakot ako, Lia..." I thrailed off. "P-paano kung may mangyaring masama sa kanya?"

"Shh," hinagod ni Lia ang likod ko. "'Wag kang mag-alala. Gagawin ng mga doktor ang lahat. Kairon is a Flamma. Walang sino man ang hahayaang mapahamak siya."

Kahit papaano ay napakalma ako no'n.

Pagkalipas ng isang oras ay inilipat na rin ng private room si Kairon. Dumating din ang head mistress na si Mrs. Montecillo. Kaya lang, unconcious pa rin si Kai.

Pinayagan kaming pumasok ni Lia kahit nasa loob pa si Mrs. Montecillo at iyong isa naming guro.

I tried so damn hard to hold my tears when I saw Kairon. May benda ang kanyang ulo. May suwero siya at kung anu-ano pa ang mga nakakabit.

"If he didn't wake up within the next 24 hours, I need to call his parents." ani Mrs. Montecillo.

"Magagalit ang pamilya niya, Madam. Hindi natin alam ang maaaring gawin ng mga Gonzalez pag nalaman nilang napahamak si Kairon." anang professor.

Mabigat ang paghinga ni Mrs. Montecillo. "Kaya dapat magising na si Kairon. Ang sabi ng doktor, maayos naman na ang lagay niya. Napatigil na rin ang bleeding at wala namang blood clot. Ang problema na lang ay kung bakit hindi pa siya nagigising."

Garnet Academy: School of ElitesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora