Chapter 20

440K 14.4K 3.6K
                                    

Chapter 20

Breaking the rules

I end up telling Kairon about everything that happened in the comfort room. Marami na akong kasinungalingang nasabi sa kanya. Ayaw ko nang dagdagan pa ngayong nagkakabutihan na kami.

Kairon immediately got up from his seat and walked outside. Kabado ako at baka komprontahin niya bigla si Stephanie kaya naman sinundan ko siya palabas.

Mabilis ang lakad ni Kairon kaya halos nawala siya sa paningin ko. Kinailangan ko pang tumakbo at ilang saglit lang ay nakita ko siyang pumasok sa Student Council Office. The door was left open so I managed to come inside easily. Tahimik ang mga yapak ko habang palinga-linga sa malaki nilang opisina.

Napatigil ako nang masilayan ko na ang nakatalikod na si Kairon tapos si Stephanie naman ay nakaharap at nakaupo sa isang kulay abong swivel chair.

Nagtago ako sa likod ng locker para hindi nila ako makita. Damn it! Dapat ba ay hindi ko na sinundan si Kairon dito?

"You really went that low, Steph?" Kai asked on a baritone. Kung ako si Stephanie ay malamang nanigas na ako sa kinauupuan.

Stephanie laughed sarcastically. "So, nagsumbong na agad ang yaya mo?"

"Don't call her that." Kairon's deep and hard voice echoed.

Sinubukan ko pang sumilip sa maliit na awang doon sa locker. Kitang-kita ko kung paano tumayo si Stephanie at idinabog ang kanyang kamay doon sa lamesa.

"Bakit ba kasi hindi na lang ako?!" tanong ni Stephanie. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. My heart jumped a bit. "Ang tagal na nating magkakilala, Kai. I'm always here for you. Always! Tapos may isang babae lang na dumating at nagkakaganyan ka!"

Nakita ko ang mga naluluhang mata ni Stephanie. Maling ideya ata na sumunod pa ako rito. You're so stupid, Beatriz Paige!

"Steph, I told you, kaibigan lang ang turing ko sa'yo." Masama man, pero masaya ako sa narinig. Kumalma ang patalon-talon kong puso. "Tigilan mo na si Paige. Pasensya na, pero gawan mo pa siya ng masama, kakalimutan kong kaibigan kita."

Unti-unting bumagsak ang  mga luha ni Stephanie. I thought Kairon will be shaken and will console with her. But he didn't. He just stood there and did nothing.

Ilang saglit nanatiling tahimik ang dalawa nang magsalita ulit si Stephanie.

"You're out of your mind." sabi niya habang naiiling-iling. "Nag-iisip ka pa rin ba, Kai? If you go on with a relationship with her, you'll both be punished! Do you even know that?!"

"Yes, I know." Kairon said and stormed out of the room. Isiniksik ko pa ang sarili sa may locker para hindi niya ako makita. Si Stephanie naman ay naiwan doon. Ilang saglit lang ay halos magulat ako nang pinagbabato niya ang mga gamit sa lamesa at saka siya humikbi.

I can feel her pain right now. But... what can I do? Nothing.

Dahan-dahan akong lumabas at siniguradong hindi ako makikita ni Stephanie.

Nanlaki ang mga mata ko at tumalon ang puso ko nang tumambad ang mukha ni Kairon sa pintuan. Nakapamulsa siya habang nakakunot ang noo.

"Did you follow me?" nakataas ang kanyang kilay nang tanungin ako.

Napalunok ako. Omaygad!

"Hmm..." aniya at lumapit pa sa akin.

Hindi ako makasagot at napakagat labi na lang ako.

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now