Chapter Four

17.4K 1.3K 164
                                    

Chapter Four


[Loading Hunter System... 5%]

Napatulala si Solan habang lumilipad ang mga salita sa harap niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkakatama ng kanyang ulo sa pader kaya niya ito nakikita bukod pa roon ay nakakarinig din siya ng boses.

Tumingin si Solan sa paligid. Nasa isa siyang eskinita at nakasandal sa basurahan. Kakaibang amoy ang gumising sa kanyang diwa.

Hindi niya magawang igalaw ang kanyang katawan. Nanghihina siya. Napatingin siya sa sahig at naalala ang mga nalaglag na gamit sa pagkawala ng lalaki.

Anim na bilog na bote na may ibat' ibang kulay ang nandoon; berde, asul at pula. Sa tabi nito ay may isang katana at isang kwintas na may kulay asul na bato.

[Download Complete!]

Biglang lumabas sa harap ni Solan ang mas maraming salita. Para itong isang system panel sa isang game na nilalaro niya sa kanyang mobile phone noon.

 Para itong isang system panel sa isang game na nilalaro niya sa kanyang mobile phone noon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

STATUS

Name: Solandis

Level: Beginner

Class: Cook (Hidden Class)

Strength: 8

Agility: 6

Intelligence: 7

Dexterity: 6

Endurance: 8

HP: 12/100

MP: 10

Titles:

Hunter Hunter - A title given to hunters who hunt hunters.

Effect: Strength and Endurance +10, HP +500 when facing a hunter

Undistributed Points: 23

Sinubukan ni Solan na hawakan ang panel ngunit lumusot lang ang kamay niya rito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinubukan ni Solan na hawakan ang panel ngunit lumusot lang ang kamay niya rito. Hindi niya alam kung paano ito mawawala.

"Close," sabi niya sa mahinang boses.

They Came from the SkyOn viuen les histories. Descobreix ara