Chapter Thirty-Five

12.9K 1K 173
                                    

Chapter Thirty-Five


"Ano 'yon?" tanong ng isang lalaking teenager habang nakatingin sa mahabang lamesa na may labing dalawang upuan. "Wala iyon dyan kanina."

Tumayo sila isa isa at tumingin sa paligid. Walang ibang taon roon kung hindi sila lang. Lumapit sila sa lamesa at dinampot ang isang puting greeting card. Nang buksan nila iyon ay nabuo sa hangin ang mga pulang salita.

Dear Guests,

Welcome to the Resurrection Game where you can get a chance to go back to the overworld and continue playing. The rules of the game are simple; defend your castle until sunrise or break your enemy's castle before sunrise. Please choose wisely. The game will start in fifteen minutes. Please prepare.

A map will be installed in your system. Goodluck, Hunters! May you all be resurrected.

[Countdown 14:59]

Namayani saglit ang katahimikan.

"Castle defense?"

"Shit, ngayon alam na natin kung bakit tayo stuck sa lugar na ito."

"Kung ganoon may resurrection sa larong ito? Bakit walang nagsabi?"

"Ilang oras pa bago mag-sunrise?"

"Tatlong oras."

"Hah! Madali lang naman pala ang gagawin. Depensahan nalang natin ang castle hanggang sa maubos ang oras. Tatlong oras nalang naman pala."

Ilan sa mga manlalaro ang nakahinga nang maluwag. Pero naisip ni Solan ang sinabi sa sulat. Overworld. Ang ibig sabihin ay nasa Underworld sila ngayon. Ayon sa pagkakaalam niya, dito naghahari ang mga demons, hindi ba? Kung ganoon, isang demon ang bata na nakita niya kanina? Kaya naman pala nakakatakot ang hitsura non.

Kumunot ang noo ni Solan habang nag-iisip. Kaya ba nilang depensahan ang kastilyo na ito? Kung ganoon nga kadali katulad ng iniisip ng iba, dapat ay marami na ang na-resurrect. Pero ang alam ni Milo ay walang resurrection sa laro, ang ibig sabihin ay wala pang nagtagumpay at nakabalik para ikwento ang resurrection game.

Hindi lang si Solan ang nakaisip ng problema na ito.

"Kailangan nating sirain ang kastilyo ng kalaban," sabi ni Sage. Lumapit ito kay Ham, umakbay at isinandal ang napakatangkad nitong katawan sa binata. Mukha itong tutumba anumang oras dahil sa antok.

"Oy! Hwag kang sumandal sa akin!" sabi ng kawawang si Ham habang itinutulak palayo si Sage ngunit di magawa. "Oy!"

"Bakit pa tayo lalabas kung pwede naman manatili sa loob at maghintay?"

"Oo nga, tatlong oras lang naman ang kailangan. Malapit nang sumikat ang araw."

"Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay depensahan ang lugar na ito."

"Tama, tama!"

Blanko na tinignan ni Sage ang mukha ng mga kasama. Matigas ang paninindigan ng mga ito na manatili sa kastilyo.

"Kung gusto nyong manatili rito hindi ko kayo pipilitin na lumabas. Pero yung gustong sumama sa akin palabas, sumunod kayo," sabi ni Sage saka naglakad palayo habang nakaakbay parin kay Ham.

"Oy! Bitaw! Oy! Sinabi nang bitaw—" Nakaladkad si Ham ni Sage palabas. Wala itong nagawa kung hindi ang sumama.

Tinignan ni Solan ang dalawang binata saka nagpasya na sumunod. May dalawa pang lalaki na sumunod katulad niya.

"Nababaliw na ba kayo?! Kailangan natin manatili lahat dito para dumepensa!"

"Bakit pa kayo aalis?! Safe na tayo rito!"

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon