Chapter Thirty-One

12.7K 874 91
                                    

Chapter Thirty-One


Kinabukasan, maagang umalis ang rescue team ng mga awakened sa base. Dati ay nasa limang oras lang ang byahe papunta sa lugar na iyon, ngunit ngayon na nagbago na ang lahat ay siguradong gabi o kinabukasan na sila makakarating. Maraming dahilan kung bakit mapapatagal ang kanilang byahe. Bukod sa hindi patag na daan, mga nakaharang na sasakyan sa kalsada, at mga mutated animals, kailangan din nilang kumuha ng supplies mula sa mga madaraanan na lugar.

Ngayong kulang ang kanilang supplies, hindi nila pwedeng lagpasan lang ang mga supply area kung tawagin.

Tumigil ang sinasakyan na bus ni Solan malapit sa isang mall. Kalahati ng mall ay gumuho na. Magkaganon man, gusto parin tignan ng mga awakened kung mayroon silang makukuha mula sa loob.

Ang leader ng rescue team na kinabibilangan ni Solan ay si Deputy Ilagan. Ito ang ipinadala ng Chief upang mag-lead ng rescue mission. Ito ang may hawak sa overall decision.

Nahahati sa anim na team ang mga awakened. Ang special task force ng mga pulis at sundalo, at limang guilds. Ang bawat guilds ay pinamumunuan ng mga guild captains. Upang mapanatili ang pagkakaisa, gumawa sila ng rule na ang team ni Deputy Ilagan ang mamumuno sa mission na ito.

Inip na inip na tinignan ni Solan ang mga awakened na nasa labas. Nagpulong ang mga ito saglit saka dumiretso sa loob ng mall.

"Ate, hindi ba tayo bababa?" tanong ng katabi niyang si Vivian. Nakaupo ito sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Tatlong oras na silang nakaupo sa loob ng bus, siguro ay naiinip na rin ito.

"Gusto mo bang bumaba?" tanong pabalik ni Solan. Wala siyang balak na sumali sa pagkuha ng supplies sa loob.

Tumango si Vivian. Tumayo si Solan at hinawakan ang kamay ng kapatid. Lumabas sila ng sasakyan at nag-inat.

Walang ipinag-iba ang paligid sa palaging nakikita ni Solan sa labas ng base. Napapaligiran sila ng mga sirang gusali, nagkalat na mga sasakyan at ilang basura.

Ilang taon ang ginugol upang maitayo ang mga buildings na ito ngunit sa loob lang ng ilang araw ay ganito na ang kinahantungan.

Ah. Nakalimutan ni Solan na hindi totoo ang mundong ito. Nilikha nga lang pala ito ng mga tao upang gawing laro. Isang malaking entertainment lang para sa kanila ang buhay nilang mga NPC.

Naalala ni Solan ang unang araw na naging Hunter siya. Puno siya ng takot noon. Takot para sa hinaharap nila. Ngunit ngayon, nagbago na ang tingin niya sa lahat.

Pero ano kaya ang mangyayari sa oras na mamatay siya? Magigising nalang ba siya na bumalik na sa dati ang mundong ito? Isang reset? Makikita niyang buhay ang kanyang ina at muling mararanasan ang pagguho ng mundo?

Ipinilig ni Solan ang ulo at itinapon ang kanyang iniisip. Walang makakasagot sa mga tanong niya kaya mas mabuti pa na kalimutan nalang niya.

Naramdaman ni Vivian na may nakatingin sa kanya kaya naman napalingon siya sa isang direksyon. Nakita niya ang isang batang lalaki na malapit ang edad sa kanya. Pareho silang may blue badge kaya naman nilapitan niya ito at kinausap.

Tinignan lang saglit ni Solan ang kapatid na nakikipag-usap sa nahanap nitong kalaro. Hinayaan lang niya ito sa ginagawa nito.

"Positive! May supplies sa loob, Sir!"

"Na-check nyo ba ang storage room?"

"Yes, Sir! Mukhang hindi pa nagalaw ang mga stocks doon," masayang report ng lalaki.

"Good! Good!" tawa ng Deputy. Matagal na rin simula nang makakita sila ng storage room na hindi pa nagagalaw ang supplies.

Narinig ni Solan ang pag-uusap ni Deputy Ilagan at isang sundalo na lumabas mula sa loob ng mall.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now