Chapter Thirty

12.8K 914 64
                                    

Chapter Thirty


Thump! Thump! Thump!

Masayang tumatalbog ang sisiw na si Gluttony habang sakay nito sa likod ang batang si Vivian. Kasalukuyan silang nasa labas ng base at naghahanap ng mutated wolf. Sa kasamaang palad, anim na oras na sila sa paghahanap ngunit wala parin silang makita na bakas nito.

Ilang sirang gusali na maaaring mapagtaguan ng mga ito ang ininspeksyon ni Solan ngunit wala siyang nakita. Naisip tuloy niya na baka malayo sa base ang teritoryo ng mga mutated wolves.

Sa tuwing may makakasalubong sila na mutated animals, hinahayaan ni Solan na sina Vivian at Gluttony ang kumalaban sa mga ito. Kinuha na rin niya ang pagkakataon na ito na kolektahin ang mga katawan ng mga mutated animals upang ipagpalit sa points pagdating sa base.

Bukod sa naimbentong skills ni Vivian na water polo at frozen needles, nadagdagan na ito ngayon ng isa pa—ang ice ice baby.

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Solan nang marinig niya ang pangalan na ito. Siguro ay dahil narinig ni Vivian ang kantang 'Ice Ice Baby' habang nasa palengke sila kaya ito ang tumatak sa isip nito.

Ang bagong skill na ito ni Vivian ay kayang pag-yelohin ang katawan ng isang tao o mutated animal. Proud si Solan sa naging achievement ng kanyang kapatid, ngunit mas magiging proud sya kung iibahin nito ang pangalan ng skill.

Pero nang makita niya ang hagikgik ng kanyang kapatid habang sinasabi ang ice ice baby, mukhang wala itong plano na palitan iyon.

"Tumigil muna tayo rito," sabi ni Solan sa dalawa.

"Chii~!"

Huminto sila sa isang children's playground. Maayos pa ang mga kagamitan roon, may kadumihan nga lang. Tumakbo si Vivian sa swing at doon naglaro. Hindi nito pinansin ang maduming upuan.

Siguro ay dahil matagal na itong hindi nakakapunta sa playground, puno ng pagkasabik sa paglalaro si Vivian.

"Beel! Itulak mo ako!"

"Chii~!" Pumwesto si Gluttony sa likod ni Vivian.

"Kyaaah~! Hihihi!" sigaw ni Vivian habang paulit ulit na itinutulak ni Beel ang swing para rito. Sa lakas ng tulak ng sisiw ay halos bumaliktad na paikot ang upuan ni Vivian. Imbes na matakot ang bata ay mukhang sayang saya pa ito.

Pinanood saglit ni Solan ang kapatid at sinigurado na matibay ang bakal sa swing. Natatakot siya na baka biglang tumalsik ang kanyang kapatid. Pero sa bilis ni Gluttony, sigurado naman siyang masasalo nito si Vivian kung sakali.

Inilabas ni Solan ang ilang kagamitan sa pagluluto mula sa system bag. Simpleng barbeque lang ang kanyang gagawin ngayon at crab soup.

Inilabas niya ang portable charcoal grill at nilagyan ito ng uling.

"Ignite."

Pinaapoy niya ang mga uling at inihanda ang karne na lulutuin. Tinuhog niya sa stick ang karne ng mutated pig at ipinatong sa grill. Habang hinihintay itong maluto ay kinuha niya ang timpladong sauce. Ipinahid niya sa karne ang sauce gamit ang brush.

Makalipas ang ilang minuto, ang buong parke ay nabalot ng mabangong amoy ng barbeque.

"Ate, luto na po?" tanong ni Vivian na hindi inaalis ang tingin sa nilulutong barbeque.

"Oo, luto na. Punasan mo na ang kamay mo at kakain na tayo." Binigyan ni Solan ang kapatid ng basang twalya. Kinuha iyon ni Vivian at pinunasan nang mabuti ang dalawang mga kamay.

Naglabas ng mesa at mga silya si Solan at ipinatong doon ang plato na may lamang mga barbeque, kaldero na may laman na kanin, at dalawang mangkok na may laman na crab soup.

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon