Chapter Thirty-Three

12.8K 995 112
                                    

Chapter Thirty-Three


May isang bagay na napansin ang rescue team nang sa wakas ay makapasok sila sa loob ng base. Malayo sa kanilang inaasahan na pagsalubong sa kanila, walang kahit ni isang tao sa paligid. Para itong isang ghost city.

"Nasaan ang mga tao?"

"Nahuli na ba tayo ng dating?"

"Men, search the area."

"Yes, Sir!"

Naghiwa-hiwalay ang mga sundalo at hinanap ang mga residente ng base.

Naglakad si Solan kasama si Vivian upang tignan ang mga bahay at gusali. Nakasarado ang mga pintuan at namamayani ang katahimikan sa lugar. Para bang naglaho bigla ang mga nakatira sa lugar na ito.

"Ate, nandito na ba tayo? Bakit po walang tao?" tanong ni Vivian. Ang akala ni Vivian ay maraming tao siyang makikita pagdating nila sa base. Gusto sana niyang tignan kung may mabibili sila rito.

Nagtataka rin si Solan kung saan pumunta ang mga tao rito. Hindi kaya na-rescue na sila ng ibang base?

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa mapunta sila sa isang elementary school. Hinanap nila ang library, plano ni Solan na kumuha ng mga libro para kay Vivian. Umakyat sila sa school building at hindi sinasadya na may nahagip ang mga mata ng dalaga. Sa soccer field, nakita ni Solan ang bundok ng lupa sa paligid ng field.

Binuhat ni Solan si Vivian at lumipad papunta sa field. Mula sa itaas ay natanaw niya ang isang malalim na hukay. Nawala ang mga damo sa field at napalitan ng isang malaking butas. Ininspeksyon niya ang ilalim nito at doon siya nagimbal sa nakita.

Alam na niya kung nasaan ang mga residente ng base.

***

[Sir, this is team B. May mga survivors kaming natagpuan sa laboratory! Over.]

"Good, papunta na kami ryan! Over. Men, let's move!"

Nakahinga nang maluwag ang mga nakarinig ng balita. Kanina ay nawawalan na sila ng pag-asa na may makikita silang residente na buhay. Kung wala silang masasagip, para saan pa ang mga awakened na nagbuwis ng buhay upang makarating sila rito? Mabuti nalang at mayroon pa silang inabutan.

Nagsimula na silang pumunta sa direksyon ng laboratoryo.

Isa iyong puting gusali na may mahigpit na security. May anti-earthquake ang building at mayroong state of the art technology. Masasabi na ito ang pinaka-secured na lugar sa base na ito.

Nang makasok sila sa loob ng laboratoryo ay kaagad nilang binilang ang mga survivors. Nasa mahigit kumulang tatlong daan ang mga natitirang tao. Karamihan sa mga survivors ay mga bata at matatanda.

Nang makita ng mga ito ang rescue team, hindi nila napigilan ang mapa-iyak. Ang akala nila ay dito na sila mamamatay.

Isang babaeng awakened ang nagtanong kung ano ang nangyari sa base at kung bakit nakakulong sa loob ng laboratory ang mga tao. Masakit man maalala ng mga ito ang nangyari, kailangan nilang mag-imbestiga.

"Na—nangyari ang lahat isang gabi, tatlong araw na ang nakakalipas" nanginginig na umpisa ng isang Lola. Namumula ang mga mata nito habang nagku-kwento. "Nakarinig kami ng sigawan sa labas ng bahay namin. Lumabas ang anak ko para tignan kung ano ang nangyayari. Nang bumalik siya may nakapulupot na sa kanyang katawan at pilit siyang hinihila. Sumigaw siya na hwag kaming lalabas pagkatapos non ay tuluyan na siyang nawala. Isinarado ko ang pinto at niyakap ko ang apo ko. Nagtago kami at naghintay. Nang matapos ang ingay sa labas ng bahay, umaga na. Doon lang ako nag-lakas ng loob upang tignan kung ano ang nangyari." Tuluyan na napaiyak ang Lola at huminga nang malalim. "Napakaraming katawan ng tao sa labas. Pero... pero wala silang dugo. Natuyot sila na parang puno. Patay na silang lahat. Ang ilan sa kanila ay kulang ang bahagi ng katawan. Pati ang a—anak ko, namatay siya katulad nila."

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon