Chapter Twenty

12.3K 952 130
                                    

Chapter Twenty


"Solan!"

Narinig ni Solan ang kanyang pangalan at napalingon siya. Nalipat ang tingin niya mula sa alimango papunta sa lalaking si Milo at sa nakabuntot ditong si Atlas. Palapit ang dalawa sa kanya.

"Mabuti at nagkita ulit tayo. Bigla ka nalang umalis, hindi ko alam kung paano ka makikita ulit," nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Ah. May nangyari kasi sa...basta." Hindi masabi ni Solan ang dahilan dahil hindi nito alam na hindi siya Hunter katulad nito na may ibang pinanggalingan. Nakatira siya mismo sa lugar na ito. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kung sakali na malaman nito iyon?

"Tatlong buwan na rin ang nakalipas. May party ka na ba?"

Hindi maintindihan ni Solan kung bakit gusto nitong sumali siya sa party nila ni Atlas.

Umiling siya at nagdesisyon na sabihin ang totoo. "Wala. Pero kasama ko ang kapatid ko."

"Kasama mo ang kapatid mo?" Tumingin si Milo sa paligid.

"Wala siya rito. Nang matanggap ko ang quest, naiwan siya."

"Nakapagtataka. Kung magkasama kayo, dapat ay napunta rin siya rito. Kung sino ang malapit na hunters sa World Boss, sila ang automatic na mapupunta rito."

"...ganoon ba?"

Tumango si Milo. "Ganon nga."

"...hindi ko alam kung ano ang nangyari."

"Heeey!" Lumapit sa kanila ang babaeng mage. May purple cloak itong suot at purple witch hat. Maganda ang mukha nito at nasa seventeen o eighteen years old. May hawak itong mahabang wand na may purple na crystal sa dulo. "May extra gold ba kayo? Kailangan ko ng gold." Tumingin ito kay Milo.

"Sorry, kailangan ko rin ng gold coins," sagot ni Milo sa dalaga.

Lumipat ang tingin ng mage kay Atlas. Hindi naman umimik ang binata at hindi pinansin ang babae.

Sumimangot ang mage. Kinwestyon niya ang kanyang karisma. Siguro ay hindi lang talaga ito tumatalab sa mga hindi straight. Madalas ay sa ganitong pagkakataon, siya mismo ang nilalapitan ng mga lalaking hunters para mag-offer ng tulong. Malas lang niya siguro dahil napunta siya sa lugar na ito at walang maka-appreciate sa kagandahan niya.

"I need gold coins! Can anybody please lend me some gold coins? Gosh!"

Tila naman hindi nasayang ang effort niya at dininig siya ng langit.

"May extra ako, Miss Beautiful!" sabi ng berserker. Mukhang nasa twenties ang edad nito at may fit na katawan. Medyo rough looking at crew cut ang buhok.

"Really? Give me!" Matamis na ngumiti ang mage.

Naglabas ng pouch ang berserker at ibinigay sa babae.

"Tyro ang pangalan ko. Ano'ng pangalan mo, Miss? Gusto mo bang maging partner ko? Gusto mo bang magpakasal?"

"I'm Maddison. Sorry, against 'yan sa contract ko bilang artist."

"Artista ka?" mangha na tanong ng berserker.

"Trainee. Malapit na ang debut ko, magpapirma na kayo sa'kin habang maaga pa."

"Pwede ba'ng magpa-picture? Number one fan mo na ako!"

"Hmm. May extra gold coins ka pa ba?"

Napamaang si Solan sa dalawa. Mas bagay na maging thief ang class ng mage sa galing nitong humingi ng gold coins.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now