Chapter Seven

14.3K 914 85
                                    

Chapter Seven


"Lola, hati po tayo."

"Sa iyo na 'yang lahat, apo. Hindi pa gutom si Lola."

Hinaplos ni Lola Ising ang buhok ng apo niyang lalaki. Apat na taong gulang palang ito pero kailangan nang maranasan ang hirap ng pagka-gutom.

Simula nang umatake ang mga mutated rats, hindi na sila nakalabas pa ng condo unit nila. Hindi na rin bumalik ang mga magulang ng bata. Lubos ang dalamhati ni Lola Ising. Sigurado siya na hindi inabandona ng kanyang anak at manugang ang anak nila. May isa lang na rason kung bakit hindi nakabalik ang mag-asawa.

"La, tinirhan ko po kayo. Kain na po kayo," sabi ng apo niya at hawak nito sa isang kamay ang kalahati ng biscuit.

Kaagad na namula at nabasa ang mga mata ng matanda. Kinuha niya ang biscuit at ibinalik sa plastic wrapper nito saka nilagay sa bulsa. Itatago niya ito para sa kanyang apo kung magugutom ito mamaya.

Tumakbo ang apo niya sa balcony at tinanaw ang kapaligiran.

"La! Lola! Tignan po ninyo, may tao!" tawag nito.

"May tao?" Kaagad na napuno ng galak ang dibdib ni Lola Ising. Napaliligiran ng mutated rats ang kanilang apartment. Nakita niya na lahat ng umalis ay inatake ng mga ito at namatay. Kaya naman sa takot ay hindi niya tinangka na umalis sila. Lalo pa at hindi niya kayang tumakbo at protektahan ang apo.

Nang makita niya sa balita ang evacuation, doon siya nawalan ng pag-asa. Wala na ang militar na magpo-protekta sa kanila. Inabandona ng mga politicians ang hilagang bahagi ng bansa.

At isa silang dalawa sa mga naabandona.

Ilang araw na ang nakalipas simula nang makakita sila ulit ng tao sa labas. Dumating na kaya ang tulong na hinihintay nila?

Dali dali siyang lumapit sa balcony. Nasa fifth floor sila ng building at malabo na ang kanyang mga mata para makita nang malinaw ang nangyayari.

"Apo, nasaan ang taong sinasabi mo? Marami ba sila?"

"Ayon po Lola, nakikipaglaban po siya sa mga daga," turo ng apo niya sa isang direksyon.

Pilit na tinanaw ni Lola Ising ang direksyon na iyon. May nakikita siya na gumagalaw ngunit hindi malinaw.

"Isa lang po siya, La."

"Isa lang?" Tuluyang nawalan ng pag-asa si Lola Ising. Imposible na mapatay ng isang tao lang ang mga nagkalat na daga.

"ATEEEE, NANDITO KAMI!" sigaw ng apo niya na kumakaway at tumatalon. "NANDITO KAMI!"

Samantala, kakatapos lang ni Solan na patayin ang mga dagang umatake sa kanya nang makarinig ng sigaw. Sa pagtaas ng kanyang intelligence, mas naging heightened ang kanyang senses.

Tinignan niya ang direksyon na pinaggagalingan ng sigaw. Sa mga balcony ng condominium, nakita niya ang ilang survivors. Nang marinig ng iba ang sigaw, saka sila naglabasan upang sumigaw din mula sa kanilang balcony.

"Mga survivors, meron pang mga tao rito."

Mabilis niyang pinulot ang mga elixirs at inilagay sa bag saka siya pumasok sa building.

***

Kasalukuyang nag-iihaw si Solan ng karne sa tapat ng building habang ang mga na-rescue niya ay kani-kaniyang kuha ng sasakyan na magagamit paalis.

Diring diri si Solan sa daga nang nililinisan niya ito kanina. Pinutol niya ang buntot, ulo at mga paa nito upang makalimutang isa itong daga. Matapos niyang alisin ang mga lamang loob, hinugasan niya ito at itinuhog sa stick bago inilagay sa portable gas grill na kanyang dala.

They Came from the SkyМесто, где живут истории. Откройте их для себя