Chapter Thirteen

12K 863 101
                                    

Chapter Thirteen


Tumingin sa relo niya si Solan. Alas kwatro na ng hapon. Kailangan na niyang makauwi sa kanila. Hindi pa naman siya nakapagpaalam sa kanyang Mama. Mabuti nalang at ito ang susundo kay Vivian sa hapon.

Tumayo siya at tumingin sa anim na kasama.

"Sino sa inyo ang marunog mag-drive?" tanong niya.

Napatingin kay Solan ang anim.

"Ako," sagot ni Janet saka tumayo rin. "Balak mo ba'ng maghanap ng sasakyan? Sasama ako."

"Mm." Tumango si Solan sa babae.

"Sasama rin ang dyosa!"

"Kami rin ni Kitty, sasama sa inyo sa paghahanap."

"Teka, aalis kayo?" tanong ni Anna. "Paano kung bumalik sina Mike?"

"Hapon na, wala parin sila. Hindi pwede na manatili lang tayo rito at maghintay," ang sabi ni Janet saka kinuha ang baseball bat nito.

"Tama si Janet girl. Hindi mo rin ba naisip na baka wala na tayong hinihintay?" ang tanong ni Jessie.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Iniwan nila tayo rito?"

Nagkibit balikat si Jessie. "Baka may nangyari sa kanila kaya hindi na sila nakabalik, you know?"

"Hindi... kung may nangyari sa kanila... paano na tayo?"

"Pwede tayong humingi ng tulong sa base! Sino sa inyo ang may cellphone?" tanong ng katabi ni Anna.

Nagtinginan silang anim. Wala ni isa sa kanila ang nakapagdala, maging si Solan ay wala rin. Naiwan niya itong naka-charge sa bahay. Ang akala niya ay mabilis lang din siyang makakauwi.

"Anna girl, Edith girl, maiwan kayo rito at magbantay ng mga gamit. Kung bumalik sina Mike, eh di happy. Pero kung hindi, at least may nahanap tayong sasakyan paalis. Okay?"

Wala nang nagawa pa ang dalawa kung hindi ang maiwan. Hindi makapaglakad si Anna kaya naman kailangan nitong manatili sa loob. Nandoon si Edith upang samahan ito.

Lumabas na ng drugstore ang grupo ni Solan. Naiwan ang dalawang babae sa loob.

Naglakad sila at naghanap ng pwede nilang masakyan. Kailangan nila ng malaki, siguro ay isang van. Pito silang natitira at may mga dala silang sako ng supplies. Kailangan ng space para sa mga ito.

"Ang weird. Walang bakas ng grupo ni Mike sa paligid," sabi ni Janet habang naglalakad sila. "Dito ang tinahak nilang daan, hindi ba? Saan kaya sila nagpunta?"

"Sana walang mutated rats sa paligid, bata pa po ako, Lord. Fresh na fresh pa po ako. Kailangan ko pa po'ng mapasagot si Papa Vince."

"Sino 'yon?" tanong ni Janet.

"Yung isang guard sa base na katabi ng apartment unit ko. Janet girl, gusto mo ba'ng ipakilala kita?"

"No thanks."

"Sana may mahanap kaagad tayong sasakyan."

"May mahahanap tayo, Mother. Don't you worry."

Kalahating oras silang naglakad at naghanap. Puro mga kotse ang nakikita nila at ang mga van naman ay naipit sa traffic.

"Wala ba kayong napapansin?" tanong ni Janet sa mga kasama.

"Ano 'yon?" tanong ni Solan pabalik.

"Walang mga daga sa paligid. Ang weird! Ang sabi ng mga guards sa base, agresibo raw ang mga daga. Pero bakit walang umaatake sa atin?"

"Baka effective ang dasal ko. Hahaha!"

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now