Chapter Five

16.9K 1K 153
                                    

Chapter Five


Three percent ng buong populasyon ng bansa ang nabawas simula nang lumabas sa portal ang mga mutated mosquitos. Ilang pamilya ng mga biktima ang hindi pa tapos sa kanilang pighati nang isa na namang trahedya ang bumaba sa lupa.

Ang meteor rain.

Mga itim na bato na nababalutan ng pulang apoy ang biglang bumagsak at tumama sa mga buildings. Marami ang agad na namatay at marami rin ang sugatan. Muli na namang nagimbal ang mga tao dahil sa biglaang nangyari.

Hindi nila inakala na ang meteor shower ay magdadala ng ganito kalaking pagkawasak.

Ilang sasakyan ng ambulansya ang pabalik-balik sa mga ospital. Hindi lang dahil sa mga sugatan kung hindi dahil na rin sa biglaang lagnat na dumapo sa mga tao. Lahat sila ay walang malay at nasa coma.

Ang sabi sa report na nagmula sa western countries, ang meteor ay may dalang virus. Kayang mabuhay ng virus sa hangin nang tatlong oras kaya naman mabilis ang naging pagkalat nito.

Nang araw na iyon, twenty-five percent ng buong populasyon ang naapektuhan ng nasabing virus. Two percent naman ang direktang namatay sa mga gumuhong gusali.

Puno ng pagdadalamhati ang buong mundo dahil sa sunud-sunod na pangyayari. Pero babala ng mga scientists, ito ay umpisa palang ng mas malalang delubyo.

Naglabas ang pamahalaan ng komento tungkol sa nangyari at nagsabi na maging handa anumang oras. Para sa mga biktima na nawalan ng tirahan, isang shelter ang ibinigay sa kanila.

Mabilis ang naging aksyon ng mga pulis at bumbero para mai-evacuate ang mga tao. Ang tanging problema lang ay ang kawalan ng space para sa mga biktima sa mga ospital. Masyadong marami ang bilang ng mga epektado kaya naman kinulang ang mga kwarto nila.

Walang nagawa ang mga ospital kung hindi ang magtayo ng mga tents para sa mga pasyente.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang bumagsak ang meteors. Wala paring nagigising sa mga nasa coma at wala paring nagiging paliwanag ang mga doktor sa nangyari sa kanila.

Nakaupo si Solan sa isang plastic chair habang binabantayan ang kanyang kapatid. Isa si Vivian sa mga na-comatose. Apat na pasyente na katulad ng kanyang kapatid ang kahati nila sa tent.

"Solan, umuwi ka na muna para makapag-pahinga ka. Ako na ang bahala na magbantay sa kapatid mo."

"Okay lang po ako, Ma."

"Solan, umuwi ka na. Sige na. Bukas ng umaga, ikaw naman ang magbantay."

Bumuntong hininga si Solan at tumayo na. Nagpaalam siya sa ina bago lumabas ng tent. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin.

Tumingin siya sa paligid, kahit papaano ay kumalma na ang mga tao. Ngunit halata parin ang takot sa kanila.

Naglakad na si Solan at nilagpasan ang mga nakatayong tents. Umuwi siya sa kanilang bahay dala ang kanyang bisikleta.

Pagkauwi ay nagpunas lang siya ng katawan at nagbihis bago bumaba upang kumain. Nag-luto ang kanyang Mama ng ulam na pritong isda at chicken soup.

Matapos kumain, inayos niya ang mga box ng pagkain. Inilagay niya ang iba sa cabinet sa kusina. Ang iba naman ay iniwan niya sa kwarto.

Nang matapos sa pag-aayos ay nagsipilyo na siya at humiga na sa kama upang matulog.

Tinigna ulit ni Solan ang kanyang Status Panel.

Undistributed Points: 26

Noong umpisa ay mayroon siyang twenty-three points. Nadagdagan ito nang may mapatay siyang tatlong insekto pag-uwi. Ang ibig sabihin, ang isang lamok ay may equivalent na one point. At ang ten points naman ay nagmula sa aksidente niyang napatay na hunter. Kaya rin siguro siya nagkaroon ng title na Hunter Hunter.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now