Chapter Twenty-Six

14.1K 954 86
                                    

Chapter Twenty-Six


Mula sa tuktok ng matayog na pader ng base, nakatayo si Lucille at pinagmamasdan ang paligid. Ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang raid. Kailangan nilang maging handa.

Lumingon siya sa kanyang likod at nakita na sinusundan ng kanyang abnormal na pinsan si Solan na parang isang aso na takot mapahiwalay sa amo nito. Tsk. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking iyon? Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito?

Nang sabihin nito na magiging defender sila ng base ay kaagad siyang nagulat. Ang pinsan niyang psychopath ay gustong maging bayani? Bakit?

Ngayong nakikita niya ang kilos nito sa harap ni Solan ay parang nagka-idea siya. Kung pagmamasdan, parang isang peacock ang kanyang pinsan na gustong i-display ang magaganda nitong balahibo sa mata ng dalaga.

Gusto ba nitong magmukhang bayani sa mga mata ni Solan?

Kaagad siyang kinilabutan. Hindi niya gusto ang naisip.

Ano ang meron si Solan at nakuha nito ang atensyon ng abnormal niyang pinsan? Bigla siyang na-curious. Gusto rin niyang malaman kung ano iyon. Ito siguro ang dahilan kung bakit napupunta palagi kay Solan ang atensyon niya. Gusto niyang malaman kung may sikreto ba ito.

Nitong mga nakaraang araw ay kakaiba ang mga kinikilos nito. Sobrang tahimik at palaging wala sa sarili. Palaging may malalim na iniisip. Para itong estatwa minsan na hindi kikilos at mababaon sa kung anuman na iniisip nito. At ang mga tingin nito sa kanila...

Siguro ay kasing tayog ng pader na kanyang tinutuntungan ang biglang itinayo ni Solan sa sarili nito.

Gusto niyang makipag-close dahil pareho silang babae, pero hindi niya ito magawang lapitan.

Bumuntong hininga si Lucille at muling ibinalik ang tingin sa labas ng base. Sa langit ay may nakikita siyang naka-display na pulang mga numero.

128... 127... 126... 125...

Inilabas niya ang kanyang pulang dagger. Nakaramdam siya ng excitement habang palapit na ang oras ng laban.

***

"Hey little rabbit, team up with me."

Kunot ang noo ni Solan habang naglalakad. Kanina pa inuulit ni Alastair ang sentence na iyon. Ayaw siya nitong tantanan at kung saan man siya magpunta ay nakasunod ang lalaki.

"Ayoko. Kaya ko'ng mag-isa," tanggi niya.

"No. You're still too weak. Let me help you."

Huminga nang malalim ang dalaga at pinigilan ang sarili na magalit. Napipikon na siya rito. Ano ang sabi nito? Too weak?

"I'll hold them up and then you kill them. What do you think?"

Hinarap ni Solan si Alas at sinalubong ang tingin nito. "Bakit ba ang kulit mo?"

"My dear Solandis, why won't you let me help you?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya ko'ng mag-isa!"

Bumuntong si Alas at pinakatitigan siya nang mabuti. Ang tingin na ginagamit nito sa kanya ay parang sa guro na pinapanood ang pagtatantrums ng estudyante.

Dumilim ang mukha ni Solan. Marami siyang iniisip ngayon at wala siyang panahon para makipagtalo kay Alas. Gusto niyang kalimutan ang kanyang nalaman tungkol sa mundo nila. Pero sa tuwing makakakita siya ng hunters, hindi niya maiwasan na maalala.

Isang peke ang kaniyang mundo. Isang likha lamang. Isang parte ng malakihang laro. Ang buong buhay niya ay hindi totoo. Isa lamang siyang kumpol ng data. Hindi siya totoo.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now