Chapter Twenty-Five

13.4K 870 112
                                    

Chapter Twenty-Five


Maliban kay Lucille na patuloy sa masayang pagtawa, lahat sila ay tahimik na nakatingin sa katawan ni Alastair. Nagulat sila sa biglaang pagkamatay nito.

Lumapit si Solan sa katawan ng binata at hinugot ang nakatarak na katana sa dibdib nito. Lumuhod siya at hinawakan ang pulso nito upang malaman kung talagang patay na ang lalaki.

"BOO!" Bigla itong nagmulat ng mata at biglang bumangon.

Napatayo si Solan at napaatras sa gulat. Agad na napahinto sa pagtawa si Lucille. Dismayado itong tumingin sa pinsan na biglang 'nabuhay'. Tsk.

Tumayo ang nakangiting si Alastair at tumingin kay Solan. Nakakunot ang noo ng dalaga habang nakatingin sa kanya.

"Don't look so disappointed, I might think you don't like me at all." Tumingin ang binata sa iba pang hunters. "Tadah! I'm alive! Did you enjoy my magic show?"

"Yeah! Do it again, stay dead for like... forever!" sigaw ni Lucille habang pumapalakpak.

"Lucille be careful, your hatred is showing."

"I'm not exactly trying to hide it."

Naguguluhan na tinignan ni Milo ang dalawa. Magkakampi ba sila o magkaaway? Bukod pa roon, kanina lang ay magkalaban sina Lucille at Solan, ngayon naman ay gusto nilang patayin ang iisang kalaban. Ano ba talaga ang nangyayari?

"Enough of that. Let's get down to business, shall we?" Umupo si Alas sa sofa at nagsalin ng tsaa sa tasa nito. "Tea, everyone? C'mon, I need to tell you something important."

Lumapit sa pinto ang dalawang manika na sina Luna at Helena. Isinara nila ito at binantayan na parang mga gwardya.

Agad na hinawakan ni Atlas ang kanyang espada at itinago si Milo sa likod nito. Tumingin ito kay Alastair na nagbabanta.

"Relax. I'm not malicious. I just want to discuss something with you all. Sit. Everyone, have a seat."

Nagtinginan sina Milo at Atlas bago lumapit sa kabilang sofa at umupo. Tumabi naman si Lucille sa pinsan dahil alam niyang walang may gustong lumapit at mahawa sa kaabnormalan nito.

"Solandis. I have something important to say and believe me, you'll want to hear it too."

Naiinis man ay umupo rin si Solan sa isang single chair, gusto niyang malaman kung ano ang sasabihin ni Alastair. Ano ba ang binabalak nito?

Pinaupo niya sa kanyang kandungan ang nakababatang kapatid na si Vivian. Hindi niya inalis ang hawak sa kanyang katana, wala siyang tiwala sa lalaking ito.

"The reason why I abduc—took your sister with me is because it was too dangerous for her to be alone. She was attacked by a hunter. If it wasn't for me, who knows what would've happened to her. So, I want to clear the misunderstanding between us, Solandis. Truce?"

Tinignan ni Solan si Alas ng ilang segundo. Inatake si Vivian ng isang hunter?

"Totoo ba iyon, Vivian? May umatake sa iyo na hunter?"

Tumingin sa kanya si Vivian at tumango. "Opo, ate. Meron po."

Humigpit ang yakap niya sa kapatid. Muntik nang mawala sa kanya ang nag-iisa niyang pamilya.

"Salamat sa pagsagip sa kapatid ko. Pero may dalawa akong tanong sa'yo."

"Ask away."

"Una, gusto kong malaman kung bakit kailangan naming maglaban ni Lucille."

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon