Chapter Thirty-Nine

14.1K 913 164
                                    

Chapter Thirty-Nine


"RAAAAAAAAAWR!"

BOOOM! BOOOOM!

"WHOOOOOOOOO!!!"

"Tapusin mo na 'yan!"

"GREGORY! GREGORY! GREGORY!"

"AH! Yung pusta ko! Shiit!"

"PANALO PUSTA KO! WAHAHAHAHA!"

"Sabi ko na nga ba, si Gregory na naman ang mananalo!"

"Iba talaga ang laban kapag nasa top ten ang kasali."

[DING!]

[Destroyer Wins!]

"WHOOOOOOO!!!"

Napuno ng sigawan ang buong arena na naglalaman ng fifty thousand hunters. Lahat sila ay nakatingin sa guardian beast na nagngangalan na Destroyer. Isa itong malaking leon na nababalutan ng kidlat ang buong katawan. Dahil kidlat ang elemento nito, sadya itong mabilis at may malakas na attack power.

"Wow, ate! Ang daming tao!" Hindi maisara ang bibig ni Vivian habang nakatingin sa mga tao sa arena.

Kalmadong tinignan ni Solan ang mga hunters sa arena. Ngayon lang siya napaligiran ng napakaraming hunters. Kanina ay kinakabahan pa siya nang pumasok sila ni Vivian at umupo. Ang akala niya ay makakakuha sila ng atensyon dahil sa NPC niyang kasama ngunit mukhang abala silang lahat sa panonood ng laban sa stage. Doon lang siya nakahinga nang maluwag.

Puno ng excitement ang mga mukha ng mga hunters habang pinag-uusapan ang tungkol sa kakatapos lang na laban. Nagtatalo sila kung kaninong guardian beast ang mananalo sa susunod at kanino sila dapat na pumusta.

[DING!]

[Next battle! Guardian Beast Lupin VS Guardian Beast Gold!]

Lumapit sa magkabilang side ng stage ang dalawang hunters, isang babae at isang lalaki.

"Wow, si idol Maddison!"

"MADDISON, I LOVE YOU!"

"GANDA MO, MADDISON!"

"MADDISON! MADDISON! MADDISON!"

"BABY, MAY GOLD AKO! SA'YO NALANG GOLD KO BASTA PAKASAL NA TAYO!"

"T*NGINA MO, PAKBOY KA, LUMAYO KA!"

Nagulat si Solan nang makita niya ang pamilyar na babae. Si Maddison na nakasama niya noon sa pagkalaban sa World Boss. Sa dami ng sumisigaw sa pangalan nito, mukhang popular talaga ang dalaga. Naalala niya na sinabi nito noon na isa itong artist na malapit nang mag-debut.

Tinawag ng dalawang hunters ang kanilang guardian beasts at pinaakyat sa stage. Si Lupin ay isang agila na triple ng karaniwan ang laki at isang caracal cat na kasing laki ng leon naman si Gold.

"Kasing cute ni Maddison ang guardian beast niya!"

"GO, MADDISON! I LOVE YOU, MADDISON!"

"BABE, GALINGAN MO!"

[START!]

Sabay na sumugod ang dalawang guardian beasts sa isa't isa. Isang wind type ang agila at isang wood type naman ang caracal cat. Habang nasa ere ang ibon ay panay ang hagis nito ng wind blades. Halos mapuno naman ang stage ng mga firewoods dahil sa caracal. Ginamit nito ang mga kahoy upang sanggahin ang mga atake ng agila.

Sa loob ng sampung minuto ay nagpatuloy ang ganitong laban hanggang sa makabuo ng hagdanan ang caracal gamit ang mga naipon na kahoy. Lumundag ito sa ere at kinagat sa leeg ang kalaban. Dahil sa weak point inatake ng caracal ang agila, kaagad itong nagbigay ng malaking damage sa ibon.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now