Chapter Forty-Two

43.2K 2.1K 3K
                                    

Chapter Forty-Two


May dalawang klase ng laban sa Guardian Beast Battle Arena. Una ay ang random match, pangalawa ay ang challenge fight. Ang random match ay kung saan ang game system ang pipili kung sino ang makakalaban mo. Ang challenge fight ay duel kung saan makakatanggap ka ng hamon upang labanan ang isang kalahok. Ang advantage nito ay maaari kang mag-jump ng ilang levels kung mas mataas sa level mo ang kalaban mo. Ang disadvantage ay malaki ang kasiguraduhan na matatalo ka.

Kalimitan na gumagamit ng challenge fights ay ang mga nasa higher levels. Ito ay upang maka-ipon sila ng points at mapanatili sa itaas ang kanilang pangalan nang hindi kinakailangan na labanan ang mga kapwa nila higher levels. Mayroon din naman mga lower levels na matatapang at gusto agad mag-jump ng level kaya naman hinahamon nila ang mga nasa higher levels. Mabibilang lang sa isang kamay ang mga nagtagumpay sa kanila.

Isang laban palang ang nagagawa ni Solan, ang kanyang ranking sa random match ay nasa five thousand. At ang rank ng kalaban niya ngayon ay nasa two hundred.

Paano siya napunta sa match na ito? Dahil sa isang hamon na natanggap niya.

"Haay..." Bumuntong hininga si Solan habang nakatayo sa harap ng stage.

Nakakabinging sigawan ang maririnig sa stadium. Karamihan sa mga ito ay nagchi-cheer sa kanyang kalaban. Hindi naman nagulat si Solan dahil alam niyang sikat ang kalaban niya. At ang isa pa, iniisip ng mga manonood na nandaya siya sa nakaraang laban niya.

Kahit saang banda mo tignan, hindi mo kakikitaan ng lakas si Gluttony. Haay.

"WOOOOOOOHH!!!"

"MADDISON! MADDISON! MADDISON!"

"I LOVE YOU MADDISON!!!"

"GO! FIGHT! WIN! MADDISON!!!"

"KAYANG KAYA MO 'YAN, MADDISON!"

Tinignan ni Solan si Maddison sa kabilang side ng stage. Kumakaway ito sa mga manonood na nagchi-cheer sa kanya. Fifty thousand hunters ang supporters ni Maddison. Walang pumapansin sa pwesto ni Solan.

Wala namang kaso kay Solan kung wala siyang supporters. Ang hunters ay para sa mga hunters, ang NPC na katulad niya ay natural na walang pwesto sa mundo nila. Kaya umpisa palang ay nakahanda na siya. Pero... medyo nakakahiya rin pala na tumayo at maging parang transparent na tao. Hindi man lang siya tinitignan ng mga ito. Ah.

"ATE! GO GO GO ATE! GO BEEL! GO GO GO!!!"

Sa gitna ng ingay na naririnig ni Solan, para siyang nakarinig ng isang mala-anghel na boses. Lumingon siya sa kanyang likuran at tumingin sa pwesto na inookupa ng kanyang kapatid. Nakatayo ito at kinakaway ang dalawang maliliit na braso. Wala itong tigil sa pag-cheer para sa kanya.

Vivian... Isang matamis na ngiti ang nabuo sa mga labi ni Solan habang nakatingin sa kapatid. Tama. Katulad niya, isang NPC din ang kanyang kapatid. Kahit papaano ay may supporter siya!

"Sweetheart, you can do it!" sigaw ni Alastair na masayang kumakaway sa kanya.

"Ugh." Umiwas ng tingin si Solan. Hindi ko kailangan ng cheer mo!

Sa totoo lang, hindi naman siya mapupunta sa pwesto na ito kung hindi dahil kay Alas. Wala talagang magandang dala sa kanya ang lalaking ito!

Nag-umpisa iyon nang tawagin siya nitong sweetheart sa harap ni Maddison. Bigla nalang siyang tinignan ni Maddison na para bang inagaw niya ang asawa nito. Pagkatapos non, kinausap siya nang palihim ni Maddison.

"Solan, kayo ba ni Alastair?"

"Hindi."

"Hwag mo nang ikaila pa! Tinawag ka niyang sweetheart!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now