Chapter Ten

12.9K 933 147
                                    

Chapter Ten


"Paano ka nakapasok dito?!" tanong ni Solan habang umaatras palayo sa lalaki.

"I used a portal."

"Portal?" Tumingin si Solan sa silid. Ano'ng portal?

Biglang tumawa ang binata. "Binibiro lang kita. Ginamit ko ang pinto. Hindi ko alam na magugulatin ka pala at madaling mapaniwala, Solandis."

Nagulat si Solan nang marinig ang kanyang pangalan. Napaka-normal ng pagkakabigkas nito sa pangalan niya na para bang ilang beses na nitong nagawa iyon. Kilala siya nito? Teka, ininsulto ba siya nito?

"Kakainin mo ba 'yan?" turo nito sa kanyang hawak na frypan.

Mabilis na itinapon ni Solan ang hawak sa system bag.

Mukha namang nanghinayang si Alastair sa kanyang ginawa. Muntikan na niyang kunin ulit ang pagkain at ibigay rito nang makita ang mukha nito. Muntik lang.

"So, you're a cook? That's your job class? Interesting."

"Paano mo nalaman?"

"You better not let anybody know what you are. Your class is a special one. Alam mo na siguro ang mangyayari sa iyo kapag nalaman ng iba na kaya mo'ng magluto nang may mas maganda pang effect kumpara sa mga potions. They will lock you up and use your skills for their own benefit."

Inilabas ni Solan ang kanyang katana at tinignan nang matiim si Alas. Tinignan nito ang kanyang espada at saka ngumiti, isang napaka-harmless na ngiti.

"Relax. I don't want to accidentally kill you."

Ang mga matang iyon. Parang nakaharap sa isang mabagsik na tigre si Solan habang tinitignan ang binata. Nakaramdam siya nang panliliit. Nag umpisang manginig ang kanyang kamay at mga tuhod. Pinagpapawisan siya nang malamig.

Malakas ang lalaki. Hindi niya masukat kung gaano pero alam niya na wala siyang laban dito. Sa isang tingin palang, ganito na ang epekto sa kanya? Paano pa kaya kung maglaban sila?

Bumalik sa normal ang mga mata ni Alas. Nawalang bigla ang sikip na nararamdaman ni Solan sa paligid.

"I came here to give you something. Catch!"

May ibinato sa kanya si Alas at kaagad niya itong sinalo. Nakita niya sa kanyang palad ang isang silver na singsing na may pulang bato.

[Ring of Fury (A) – INT +100, MP +1000]

"Don't get yourself killed, little rabbit. Until we meet again."

Namilog ang mga mata ni Solan nang biglang maglaho sa kanyang harapan si Alastair. Para itong bula na pumutok sa hangin. Ngayon ay hindi niya alam kung may portal nga ba ito. Hindi kaya... isa itong teleporter? Isang jumper? O baka naman isa itong assassin?

Kung alam ni Alastair ang tungkol sa mga hunters at job class, ang ibig sabihin nito ay hunter din ang lalaki. Ano kaya ang job class nito? Malaki ang kanyang hinala na isa itong assassin. May skill ang mga ito na biglang maglaho sa lugar.

Tumingin siya sa singsing. Bakit siya binigyan ng item ng lalaki? At isa itong A rank item! Ang pinakamataas na meron siya ay isang B rank item. One hundred intelligence at one thousand mana? Kung isa siyang mage, siguradong magiging makapangyarihan siya!

"Ignite!"

Sa kasamaang palad, walang nagbago sa apoy niya. Mayroon itong five levels. Siguro naman ay magiging mas may pakinabang na ito kapag tumaas ang level nito?

Kung sana lang ay napapagalaw niya ang apoy niya.

"Hmm?" Imahinasyon niya ba iyon o gumalaw ang apoy niya?

They Came from the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon