Chapter Twenty-Seven

13.5K 1K 179
                                    

Chapter Twenty-Seven


Tinignan ni Solan ang dalawang hunters sa kanyang harapan at pinakiramdaman ang dalawa pa sa kanyang likod. Ang dalawa sa kanyang harapan ay may hawak na rapier at scimitar, falchion at viking sword naman ang hawak ng dalawang nasa likuran niya.

Isang grupo ng mga lalaking warriors. Ang ibig sabihin nito ay sa malapitan ang laban nila. Malakas ang attack at defense ng mga ito.

Ngumisi siya at mabilis na umatake sa harap. Inuna niya ang may hawak na rapier.

Klang!

Nagtama ang kanilang mga espada.

"Ignite!" Nabalot ng apoy ang katana ni Solan na ikinagulat ng lalaking warrior. "Hyah!" Mabilis niya itong sinipa at tinamaan sa tagiliran na ikinatumba nito.

"HAAAH!" Sumugod sa kanya ang may hawak na scimitar.

"Firebird!" pinatamaan niya ng apoy ang lalaki. Nakita niyang pasugod din sa kanya ang dalawa pang warriors kaya naman gumawa siya ng harang. "Firewall!"

Muli niyang binalikan ang may rapier at isinaksak sa tyan nito ang kanyang katana. Sa bilis ng mga nangyari ay tila isang kisapmata lang ang dumaan. Kaagad na naglaho ang hunter na kalaban niya at nalaglag ang ilang items. Mabilis niya itong pinulot.

Pwing!

Mabilis na umilag si Solan sa palaso. Gumulong siya sa lupa at mabilis na tumayo. Lumingon siya sa pinanggalingan ng palaso. Isang babaeng ranger ang kanyang nakita.

Pwing! Pwing!

Magkakasunod ang mga palaso na tinira nito sa kanya. Mabilis na tumakbo si Solan palayo. Hindi siya tumakbo sa diretsong linya kung hindi paliko liko upang maiwasan ang mga palaso.

BOOM!

Hindi namalayan ni Solan na nahulog siya sa isang bitag. Ang lupa na kanyang tinapakan ay biglang bumagsak. Isang malalim na butas sa lupa na may mga nakatirik na mga matutulis na metal ang nasa ilalim.

Kung hindi lang dahil sa flight effect ng kanyang anklet, siguradong nahulog na siya roon.

Lumipad sa ere si Solan. Pinagmasdan niya ang mga kalaban. Hindi siya maaaring manatili sa ere nang matagal. Mayroon lamang fifteen minutes effect ang anklet na suot niya.

Pwing!

Muli siyang pinuntirya ng ranger. Umilag siya at lumipad palayo. Kanina pa siya nakakaramdam ng inis sa ranger na iyon.

"Firebird!" tatlong umaapoy na ibon ang kanyang pinalipad patungo sa ranger. Mabilis naman itong pinrotektahan ng isang paladin gamit ang hawak nitong shield. "Tsk."

BOOM!

May malakas na pagsabog na nangyari hindi kalayuan kay Solan. Sa sobrang lakas non ay halos tangayin siya ng hangin palayo.

"A-Ano 'yon?!"

Nagulat ang mga hunters sa nakita at napatigil sa pag-atake. Malalaking tipak ng bato ang biglang nagdikit dikit at bumuo ng isang higanteng katawan. Kasing taas iyon ng three storey building.

"Isang golem!"

Nagtakbuhan palayo ang mga hunters sa takot na baka mapisa sila ng higanteng halimaw.

"WRAAAAHH!!!" Nagwala ang golem at ihinampas nito sa lupa ang dalawang malalaking kamao nito.

Maraming hunters na naapektuhan. May ilan na hindi pinalad at agad na namatay. Hindi pinansin ng golem ang mga nalaglag na magic items. Patuloy ito sa pagwawala at pagwasak ng paligid. Pinuntiryan nito ang mga malalapit na hunters.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now