Chapter Thirty-Six

12.9K 958 251
                                    

Chapter Thirty-Six


Pinanood ni Solan kung paano gamitin ni Sage ang kanyang kakayahan. Isa itong summoner, balak nitong tumawag ng creature mula sa gate. Ito ang unang beses na makikita ni Solan ang proseso nito.

"I summon you, creatures who live in the dark."

Lumiwanag ang sahig at mula roon ay isang mukhang antigong pintuan ang unti-unting umangat. Nasa eight feet ang taas nito at may lapad na tatlong tao. Halos sira na ang pinto at mukhang bibigay na anumang oras. Para itong nanggaling sa nakaraan, ilang daang taon na ang nakalilipas.

"Ano'ng tinawag mo?" tanong ni Ham.

Maging si Solan ay curious din kung ano ang lalabas mula sa pintuan.

"Hindi ko alam."

"Oy. Ano'ng ibig mong sabihin na hindi mo alam?"

"Random ang lumalabas na creatures mula sa pinto. Kailangan lang naming sabihin kung ano ang attribute na kailangan; light, dark, fire, wind..." paliwanag ni Sage. "Sa pagkakataon na ito, isang dark creature ang tinawag ko."

"Shit. Parang ang cool maging summoner," kumento ni Ham.

Bumukas ang pinto, may usok na lumabas. Para itong portal sa ibang mundo. May nakita silang anino ng tatlong creatures. Ang laki nila ay aabot lamang sa dibdib ni Solan.

Naglakad palabas ng pinto ang tatlong summoned creatures at tumayo sa harap nilang tatlo. Tuluyan nilang nakita kung ano ang mga ito.

Mga kalansay na may iba't ibang hawak na sandata; isang espada, isang pana, isang sibat. May dilaw na ilaw sa parte kung saan dapat nandoon ang kanilang mga mata.

Unti-unting lumubog ang pinto hanggang sa tuluyang mawala.

"Skeleton army..." buntong hininga ni Sage. "Malas yata tayo ngayon."

"Bakit mo nasabi?"

"Nakalimutan ko na bumaba ako sa level one. Mga mahihinang creatures lang ang makakalabas mula sa pinto," paliwanag ni Sage na bakas ang panghihinayang sa boses.

Walang pakialam si Solan kung mahina ang mga summoned creatures. Tinignan niya ang tatlong kalansay. Napaka-cool maging summoner. Kapag ba mataas ang level makakatawag din ng dragon ang summoner? Ang cool siguro na sumakay sa likod ng dragon habang bumubuga ito ng apoy.

Gusto rin niya ng mount na nakakalipad. Biglang sumagi sa isip niya si Beel. May mga pakpak nga ito pero sa katabaan nito ay tanging pagtalbog lang ang kaya nitong gawin.

Kung naging dragon lang sana si Beel.

Inutusan ni Sage ang tatlong kalansay na pumunta sa castle ng kanilang kalaban upang tignan ang lugar. Bago sila sumugod doon, kailangan muna nilang malaman kung ano ang kanilang magiging kalaban at kung gaano kadami.

Tumakbo palayo ang tatlong kalansay at kaagad na pumunta sa direksyon na sinabi ni Sage.

"Namo-monitor mo ba sila?" tanong ni Solan.

"Makikita natin sa panel," sagot ni Sage saka binuksan ang isang window kung saan may tatlong pinapakita na viewpoints.

Ilang sandali pa at nakita na nila ang castle ng kalaban. Kumpara sa castle ng mga hunters na mukhang galing sa fairytale, ang castle ng kalaban ay mas tamang tawagin na horror house. May sira itong gate, puro patay na puno ang nasa harapan ng bahay, at napapaligiran ito ng mga ligaw na damo.

"Ah! Ano'ng nangyari?" gulat na tanong ni Ham nang biglang nawala ang kanilang tinitignan.

Parang TV na nawalan ng signal ang nakikita nila sa window.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now