Chapter Twenty-Three

12.3K 829 171
                                    

Chapter Twenty-Three


Nang makita ni Gluttony na binu-bully ang kanyang amo, kaagad siyang nakaramdam ng matinding galit. Una, kinuha ng mga ito ang maliit na tao na pino-protektahan niya. Pangalawa, amo naman niya ang binu-bully sa harap niya. Naging kulay pula ang mga mata ng sisiw sa sobrang galit.

"Chii~! Chii~! Chiiiiiiiii~!!!"

Nabalot ng apoy ang bilog na katawan ni Gluttony. Mabilis siyang gumulong sa sahig patungo sa kalaban ng kanyang amo.

Nang makita ni Lucille ang gumugulong na bola ng apoy ay agad siyang napalayo sa kalaban. Panay ang iwas niya ngunit kahit saan siya magtungo ay sinusundan siya ng bolang apoy.

"Isang beast companion? Hahaha! Labas, Asmodeus!"

Mula sa anino ni Lucille ay lumabas ang napakaraming paniki. Lumipad ang mga ito patungo sa sisiw. Napaligiran ng mga paniki si Gluttony.

"Chii~?!"

Nagulat si Gluttony sa biglang paglabas ng napakaraming paniki. Ngunit wala siyang balak na magpatalo.

Gumulong ang umaapoy na sisiw patungo sa mga paniki. Gumulong siya sa maraming direksyon kung saan nandoon ang mga paniki. Agad naman na nawawala ang mga ito na parang ilusyon lamang. Napikon si Gluttony dahil hindi niya matamaan ang mga kalaban. Huminto siya at nawala ang apoy sa kanyang katawan. Ibinuka niya ang kanyang bibig at mula roon ay lumabas ang asido.

Fssh...

Bawat matalsikan ng asido ay natutunaw. Sunud-sunod ang dura niya ng asido sa mga paniki. Ngunit hindi parin niya matamaan ang mga ito. Kada talsik ng asido ay nawawala bigla ang katawan ng paniki. Magkaganon man, hindi parin sumuko si Gluttony at nagpatuloy lang.

Nang mawala ang apoy sa katawan ni Gluttony, doon siya inatake ng mga paniki. Napaligiran ang sisiw ng mga ito at kinagat ang kanyang balat.

"CHIII~!!!"

Kinagat ng mga paniki sa maraming parte ng katawan nito ang sisiw. Napasigaw ang sisiw sa sakit. Muling pinaapoy ni Gluttony ang kanyang katawan upang mawala ang mga paniki. Nakita ng sisiw na ilan sa kanyang mga balahibo ang nalagas at may bakas din iyon ng kanyang dugo. Napunta sa sukdulan ang galit ng sisiw sa nakita. Mahalaga sa kanya ang kanyang balahibo!

Ayaw niyang makalbo! Iniisip niya na hindi na siya magugustuhan ng kanyang amo kapag nakalbo siya. Sa sobrang galit ay umapoy ang kanyang mga mata at kumulo ang kanyang dugo. Gusto niyang talunin ang mga paniki na umapi sa kanya!

Huminga siya nang malalim at pinakawalan ang isang napaka-tinis na sigaw. Puno iyon ng galit at hinagpis para sa mga natanggal niyang balahibo.

"CHIIIIIIIIIIIIIII~!!!!"

Crash! Crash! Crash!

Nag-echo ang tunog sa buong hotel. Nabasag ang crystal chandelier na nakasabit sa itaas ng lobby. Nabasag din ang mga bintanang salamin, pinto, at iba pang displays.

Napatakip sa kanyang tenga si Lucille at nagulat sa tunog. Nakita niyang bumagsak ang mga paniki sa sahig. Nahigop sa isang direksyon ang mga paniki hanggang sa isang malaking paniki nalang ang natira.

"Asmodeus!" Inilagay ni Lucille ang kanyang companion sa resting space.

Bakit napakalakas ang companion na iyon? Isa nang legendary beast si Asmodeus. Paano ito natalo? Hindi kaya isa rin iyong—

"ACK!" Napasigaw si Lucille nang mahagip ng patalim ang kanyang leeg. Mabuti nalang at naging mabilis siya sa paggamit ng Blink.

Napunta siya apat na metro sa likod ng kalaban. Inilabas niya ang healing potion at mabilis na ininom. Kaagad na naghilom ang kanyang sugat. Muli siyang kumuha ng potion at ininom. Agad na nadagdagan ang kanyang strength.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now