Chapter Sixteen

12.2K 886 122
                                    

Chapter Sixteen


Mula sa system bag ay kinuha ni Solan ang ant queen meat ball. Kaagad na tumaas ang kanyang attributes dahil dito. Ginamit rin niya ang points na nakuha niya kanina nang mapatay niya ang thirty-eight devil rats, inilagay niya lahat ng points sa agility.

Hindi na siya naghintay pa sa gagawin ng tatlo at siya na mismo ang naunang sumugod. Maglalaban din naman sila, hindi na importante kung may gusto pang sabihin ang mga ito. Sa isang kisapmata ay nasa harapan na siya ng lalaking may hawak ng bow and arrow. Kinuha niya ang katana sa system bag at inatake ito.

"HYAAH!" Una niyang pinuntirya ang ranger na pumana sa kanya dati. Alam ba nito kung gaano kasakit ang mapana? Iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganoon karaming dugo na lumabas sa kanyang katawan!

"Isang assassin?!" bulalas ng ranger.

Ginamit ng ranger ang bow nito upang sanggahin ang katana.

"Fireball!" Naghagis ng bolang apoy ang mage sa direksyon ni Solan.

Walang nagawa si Solan kung hindi ang umilag at lumayo sa ranger.

"Tsk!"

"HAAH!" Tumakbo ang berserker sa direksyon ni Solan ngunit hinarang ito ng paladin na si Atlas.

"Ako ang kalaban mo!"

"Heh. Sa tingin mo ba may pag-asa ka na matalo ako ngayong magaling ka na? Mahina ka parin!"

Hindi sumagot si Atlas at kaagad na kinuha ang espada. Sinugod nito ang berserker. Nag-umpisang magpalitan ng atake ang dalawa.

Nagtapon ang mage ng bomba sa direksyon ng paladin. Nakita iyon ng priest na si Milo at agad na gumawa ng depensa.

"HOLY LIGHT!" Binalot ng liwanag ang katawan ni Atlas.

BOOM!

Kumalat ang purple na usok kung saan nakatayo si Atlas. Isa iyong uri ng poison bomb. Dahil sa holy light, hindi naapektuhan si Atlas sa nangyaring pagsabog.

"UNAHIN MONG ALISIN ANG PRIEST!" ang sigaw ng berserker sa mage na kasama.

"Fireball!" mula sa wand ng mage ay lumabas ang bolang apoy. Mabilis itong pumunta sa direksyon ni Milo.

"Milo!" Tumakbo si Atlas at pinrotektahan ang binata. Ginamit nito ang shield upang sanggahin ang atake ng mage.

Samantala, abala si Solan sa ranger. Kaya nitong makipagsabayan sa kanya kahit na kumain na siya ng meatball. Tumaas na ang kanyang attributes pero kasing level lang siya ng lalaking kalaban niya. Mukhang marami siyang makukuhang dropped items kapag natalo na niya ito.

"FIREBIRD!" sigaw ni Solan nang maubos na ang pasensya niya sa pag-pana sa kanya ng ranger. Pinalipad niya ang umaapoy na agila sa ulo nito.

"IMPOSIBLE! Isang mage?!"

"Firebird! Firebird!" Tumawag ng ilan pang agila si Solan upang atakihin ang kalaban. "Firebird!"

Mabilis niyang sinundan ang mga agila. Nagtago siya sa likod ng mga apoy at muling sumugod sa ranger na abala sa pag-depensa mula sa mga firebirds.

"HYAAH!" Muling ibinaba ni Solan ang katana sa kalaban na ranger.

"AHH!" Napasigaw ang ranger nang matamaan ito ng katana. Napalundag ito paatras mula kay Solan. Sapo nito ang nahiwang dibdib. Umaagos doon ang dugo nito.

Hindi nito maintindihan kung bakit napakalakas ng mage na kalaban niya. Ang akala niya ay isa itong assassin dahil sa agility nito, ngunit hindi lang bilis ang meron ito, mayroon din itong lakas.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now