Chapter Thirty-Four

12.6K 909 166
                                    

Chapter Thirty-Four


Nakasunod si Lucille sa likod ng kanyang pinsan. Pareho silang lumilipad papunta sa kung saan man plano ni Alas. Hindi parin niya alam kung alam ba talaga nito ang pupuntahan nito. Ang alam lang niya ay abnormal ang pinsan niya.

"Alas, alam mo ba kung saan ka pupunta o nanghuhula ka lang?" inip na tanong niya. Paano ba naman kasi nito malalaman kung nasaan si Solan? Magic?

Hinintay niya ang sagot nito ngunit imbes na magsalita ay bigla itong bumilis ng lipad. May nakita si Lucille na bagay na palapit sa kanila.

"WAAAAAAAAHH!!!"

"Eh? Bata?" gulat na sambit ni Lucille nang saluhin ng kanyang pinsan ang tumalsik na bata sa kanila.

"ATEEE!!! Tu—tulungan ninyo ang ate ko!" hagulgol na iyak ng bata habang karga ito ni Alas. "Ateee!"

"Teka, diba yan yung ampon ni Solan?" pansin ni Lucille habang nakatingin sa pamilyar na mukha ng NPC. Palagi itong kasama ni Solan. Pero nasaan si Solan?

Biglang ibinigay sa kanya ni Alastair ang bata at mabilis itong naglaho.

"Saan ka pupunta?!" Niyakap ng dalaga ang umiiyak na bata at sinundan ang kanyang nagmamadaling pinsan. "Teka, hintayin mo ako!"

Nang makita ni Lucille ang kanyang pinsan na bumaba ay bumaba na rin siya. Nakita niyang nakatayo ang binata at hindi gumagalaw. Nakatingin ito sa lupa.

Sinundan ni Lucille ang tinitignan nito. May bakas doon ng dugo ngunit walang katawan. May senyales ng naganap na laban sa lugar na ito.

"Si Solan? Nasaan siya?" tanong ni Lucille. Bigla siyang kinutuban. Hindi kaya...?

"She's gone."

Halos lumabas sa dibdib ni Lucille ang kanyang puso nang marinig ang boses ni Alastair. Ang tono nito ay puno ng nagbabadyang galit na parang gusto nitong wasakin ang paligid.

Napalunok siya. Hindi ito magandang senyales! Siguradong mawawala sa sarili ang pinsan niya! Kailangan niya itong pakalmahin!

"Alastair Fairchild, please calm—" natigil ang pagsasalita ni Lucille nang lingunin siya ng pinsan. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman nang makasalubong ang mga mata nito.

'Shit. This guy has finally lost his goddamn mind!'

***

Nang buksan ni Solan ang kanyang mga mata, nakita niya ang hindi inaasahan na tanawin. Nakaupo siya sa isang metal na bench at sa kanyang harapan ay isang umaandar na ferris wheel.

BOOM! BOOM! BOOM!

Sunud-sunod ang makukulay na paputok sa madilim na langit. Nagbigay iyon ng makulay na ilaw sa kapaligiran.

Kung hindi lang siguro puro mukha ng clowns ang nabubuo sa tuwing pumuputok ang mga fireworks sa langit, matutuwa pa siguro si Solan. Nagbigay ng creepy na pakiramdam sa dalaga ang mga clowns na iyon lalo na at parang naririnig niya ang tawa nito.

Tumayo si Solan at naglakad, nakaramdam siya ng lamig. Kakaiba ang lamig na iyon na parang nanunuot sa kanyang buto. Nilagpasan niya ang mga booths na walang tao. Ang mga ilaw doon ay umiindap-indap na parang mamamatay na anumang oras. Nakita niya ang rollercoaster na umaandar kahit walang nakasakay. Bakante rin ang octopus ride at carousel pero patuloy sa pagtakbo ang mga ito.

'Isang amusement park? Pero nasaan ang mga tao?'

Ang huling naaalala ni Solan ay namatay siya. Pero bakit siya nandito sa amusement park na walang tao? Ano'ng ginagawa niya rito?

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now