Chapter Eight

14K 980 162
                                    

Chapter Eight


Pagkagising ni Solan, una niyang narinig ang tunog ng alarm. Kaagad siyang nagmulat ng mga mata upang basahin ito.

[DING!]

[Your Daily Quest has arrived!]

[Kill the Ant Queen within 15 days.]

[You will be given a Penalty Quest if you fail to obey.]

Ant Queen?! Napalunok si Solan. Sa tunog palang nito ay mukhang delikado na. Mahaba rin ang ibinigay na deadline. Bukod pa roon, may penalty quest kapag hindi siya sumunod?

Ant Queen. Saan niya ito makikita? Kailangan niya ba na suyurin ang buong North para makita kung saan ito nakatago?

Hindi. Kung susundan niya ang linya na pinaggalingan ng mga langgam, siguradong matatagpuan niya ang territory ng mga nito. Iyon ay kung may makikita siyang mutated ant.

Kinuha niya ang cellphone at agad na nag-text kay Alexi tungkol sa mga mutated ants. Matapos non ay bumangon na siya sa kama at pumasok sa banyo.

Matapos maligo ay nagbihis na si Solan at bumaba ng hagdan. Inabutan niyang nagluluto sa kusina ang kanyang ina.

"Solan, umupo ka na. Malapit nang maluto ito."

Umupo si Solan sa harap ng mesa at napansin na masaya ngayon ang kanyang kapatid. Muntik na niyang makalimutan na ngayon nga pala ito magpapa-register bilang awakened.

Matapos nilang kumain ay nag-ayos sila saglit at lumabas na ng bahay upang pumunta sa registration area.

"Paki-fill up nitong form tapos i-submit ninyo sa table number 2. Thank you," ang matipid na sabi ng babae na nagbibigay ng form.

Kinuha iyon ng Mama ni Solan at tinulungan si Vivian na mag-sulat.

Tumingin si Solan sa paligid, marami rin ang nagre-register. Mahaba ang pila sa bawat table. Siguro ay dahil nasa border sila kaya naman marami talaga ang mga awakened na nandito. Pero paano kaya yung iba na pumunta sa South?

"Solan, sigurado ka ba na hindi ka magpapalista?" pabulong na tanong ng kanyang ina sa kanya.

"Ma, iba naman po kasi ang kaso ko."

"Kung sabagay."

Walang balak si Solan na mag-register dahil narinig niyang sinusukat ang lakas ng mga awakened. Tinanong niya si Vivian kung may naririnig din ba itong boses ng babae o kaya naman ay mga letra na biglang susulpot sa hangin. Ngunit sinabi nito sa kanya na wala. Ang ibig sabihin, hindi hunter ang mga awakened.

Hindi niya alam kung stuck sa isang level ang mga ito o katulad niya ay kaya ring mapalakas ang abilidad. Kung magreregister siya ngayon at magiging mas malakas siya sa hinaharap, tiyak na magdududa sila. Hindi niya gusto na makaagaw ng pansin.

Isa pang rason niya ay ang kanyang mga daily quests. Hindi niya alam kung ano ang plano ng gobyerno sa mga awakened. Kung makakasagabal ito sa kanyang mga daily quests, hwag nalang.

Ang mission niya ay ang mag-level up. Maging malakas upang hindi na makaramdam ng takot sa mga bagay na hindi niya sigurado. Katulad nalang ng hindi kasiguraduhan sa ibang hunters.

Isa siyang solo hunter, hindi katulad ng mga ito na magkaka-grupo. Gaano man siya kalakas ngayon, wala siyang laban kung isang buong party ang kanyang makakabangga. Lalo pa at mayroon silang Priest. Para siyang kumalaban sa grupo ng mga imortal.

Matapos ma-submit ng ina nila ang form ay binigyan sila ng number. Naghintay sila ng ilang minuto bago tinawag.

Tanging si Vivian lang ang maaaring pumasok sa loob ng testing center. Hindi nila alam kung ano'ng klase ng test ang ipagagawa ng mga ito sa kapatid niya.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now