Chapter Eleven

13.2K 860 100
                                    

Chapter Eleven


Sa dami ng narinig na alarm, hindi pinansin ni Solan ang kanyang nananakit na katawan. Umupo siya at nagpahinga. Muli niyang kinain ang ant egg omelette upang bumalik ang kanyang nawalang HP.

"Open reward." Lumabas sa hangin ang isang may ten inches na gunting.

[Shears – Extremely sharp and heavyduty. Can be used in cutting meat, vegetable, and even your enemy's life!]

"Wow." Kailan pa nagkaroon ng sense of humor ang system na 'to? Sino'ng niloko mo? Wala naman itong ipinagkaiba sa simpleng gunting!

"Open skill."

SKILL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SKILL

Ignite 1/5

Mana: 1

Firebird 1/5

Mana: 5

Skill Points: 1

Mayroon ako'ng isang available na skill point

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mayroon ako'ng isang available na skill point. Pwede ko itong gamitin na pang-upgrade ng level. Alin sa dalawa?

"Firebird!"

May narinig na iyak ng ibon si Solan bago lumabas sa kanyang kamay ang isang umaapoy na kalapati. Diretso itong lumipad palayo.

Isang attack skill! Mayroon na siyang attack skill! Sa wakas! Isa na rin siyang ranger! Pwede na siyang umatake mula sa malayo! Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Solan. Umaapaw ang kaligayahan sa kanyang puso.

Mabilis niyang ininvest ang one skill point sa firebird. Naging level two ito at nagkaroon ng mana cost na ten points.

"Firebird!"

Lumabas ang umaapoy na agila mula sa kanyang palad. Hindi ito kaagad lumipad, nakadapo lang ito sa kanyang kamay at naghihintay ng utos.

"Open recipe book!"

[Meat Balls

Ingredient: Meat of the Ant Queen

Effect: STR +70, INT +50, HP +500 (2hrs)]

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now