Chapter Fourteen

12.7K 926 111
                                    

Chapter Fourteen


"Solan, mukhang wala tayong makukuhang pwesto rito," ang sabi ng Mama ni Solan habang nakatingin sa mga tindahan. "Doon sa dulo, pwede tayong magtayo roon."

Sumunod si Solan sa kanyang ina habang itinutulak ang isang hiniram nilang kariton na puno ng mga gamit at pagkain. Mayroon din doong nakalagay na plastic chairs at beach umbrella para sa kanila ng kanyang ina.

Tapos nang itayo ang pader at wala nang magawa ang kanyang ina sa bahay nila. Hindi rin lumalabas ng base si Solan sa kadahilan na may nakabantay sa kanya. Hangga't hindi niya nalalaman kung ano ang pakay nito, hindi siya makakaalis.

Kahit na gustong gusto na niyang i-test ang kanyang pet, hindi niya magawa. Nakaramdam tuloy siya ng inis sa kung sino mang sumusunod sa kanya. Bakit ba siya binabantayan nito? Nakahalata na kaya sila? Alam kaya ng mga ito ang kakayanan niya?

Gusto niyang dakipin ang lalaki at tanungin ito mismo. Ano ba ang pakay nito sa kanya? Pero kung gagawin niya iyon, makokompirma ng mga ito ang kakayanan niya.

Kailan ba ito nag-simula? Matapos ang araw na bumalik sila sa base ng grupo nila Janet, sinundan na siya ng lalaki.

Speaking of Janet, nabalitaan niya mula rito na hindi nakabalik sa base ang grupo ni Mike. Mabuti nalang talaga at sumama siya, nakasagip siya ng anim na buhay.

Tinulungan niyang mag-set up ang kanyang ina. Inalis nila ang plastic na takip ng kariton at kinuha ang dalawang upuan. Itinayo rin nila ang malaking payong.

Inayos nila saglit ang mga paninda at naghintay ng mga bibili.

"Solan, pwede ka nang umuwi. Ayos na ako rito."

"Okay lang po, Ma. Wala rin naman po akong gagawin sa bahay."

"Hindi ka pupunta kina Savanah?"

Nakagat ni Solan ang kanyang dila. "Hindi po, Ma. Busy po sa kanila."

"Sa susunod na pupunta ka, magdala ka ng pagkain."

"No need po, Ma. May pagkain po sila sa kanila."

"Mabuti naman. Hindi natin alam kung gaano tayo katagal makukulong dito. Kung lumipat na rin kaya tayo ng bahay? Doon sa South, magiging ligtas tayo."

Hindi naniniwala si Solan na magiging ligtas sila sa South. May pakiramdam siya na anumang oras ay may mangyayari rin doon. Pero ano?

"Eh, Ma, diba po wala na tayong natira sa savings? Ipinambayad natin lahat sa bagong bahay. Okay naman po rito, Ma."

"Sana talaga mawala na ang mga daga na 'yan para mabalik na sa ayos ang lahat. Ubos na ang pera natin sa bangko. May mga kailangan pa tayong bayaran."

"Excuse me, magkano 'to?" tanong ng isang bagong dating na ginang. Kinuha nito ang isang one kilogram na pasta.

"Seventy pesos lang 'yan. Bilhin mo na," sagot ng Mama ni Solan sa babae.

"Seventy? Hindi ba at fifty lang ito?"

"Naku alam mo naman ang panahon ngayon."

"Hindi ba pwedeng sixty?"

"Sixty-five, ibibigay ko na."

"Sige, bibilhin ko na. Pati itong pork and beans."

Nanatili si Solan na nakabantay sa pwesto nila ng kanyang ina, hinihintay na maubos ang mga paninda. Iniisip niya kung ano ang dapat gawin sa kanyan stalker.

***

Kinagabihan, palihim na umalis si Solan palabas ng base. Ginamit niya ang anklet upang talunan ang mataas na pader. Naghanap siya ng lugar kung saan pwede niyang i-test si Gluttony.

They Came from the SkyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ