Chapter Twenty-Four

13.5K 958 200
                                    

Chapter Twenty-Four


Isang manika ang lumapit kay Solan at nag-bow. Matapos iyon ay itinuro nito ang hagdanan at naunang naglakad. Tumigil ito at lumingon sa kanyang direksyon na parang naghihintay.

"Chii~?" Nilapitan ni Gluttony ang manika at tinitigan. Ibinuka nito ang bibig.

"Beel, hwag," pigil ni Solan.

"Chii..."

Bumuntong hininga si Solan at kumuha ng pagkain sa system bag. Ibinigay niya sa sisiw ang hindi pa nalutong karne ng mutated bear. Siguro ay nagutom ito dahil sa naging laban kanina.

"Chii~!" Masayang kinain ni Gluttony ang karne at hindi na pinansin pa ang manika.

Gumalaw ang manika at tumingin kay Solan. Itinuro nito ang itaas ng hagdan.

"Gusto yata niyang sundan natin siya," sabi ni Milo.

Pinulot ni Solan ang kanyang nalaglag na katana at inilagay sa system bag. Nilingon niya ang kinatatayuan ni Lucille kanina ngunit wala na ito roon. Naglakad si Solan palapit sa manika.

Muling naglakad ang manika at umakyat ng hagdan. Kasunod nito sina Solan, Milo, at Atlas.

Naikuyom ni Solan ang kanyang kamao. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nakikita ang kanyang kapatid. Sana ay ayos lang ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sakaling may mangayari ritong masama. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nawala sa kanya ang nag-iisa niyang pamilya. Si Vivian nalang ang meron siya.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating nila ang top floor ng hotel.

***

Tinignan ni Lucille ang naglalarong ngiti sa labi ni Alastair. Nakaupo ito at nag-eenjoy sa hawak nitong tasa na may laman na tsaa. Nakuha pa nitong uminom at mag-relax sa ganitong sitwasyon?! Dumoble ang inis na nararamdaman ng dalaga.

"Congratulations on your first defeat, cousin. May I offer you some tea?"

Nagtagis ang bagang ni Lucille. Gusto na talaga niyang saksakin ang pinsan niyang ito. Umupo siya sa tapat ng lalaki at hindi pinansin ang inilapag nitong tasa sa harapan niya. Hindi ito ang oras para uminom ng tsaa!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na isa siyang mage?!" iritadong tanong ni Lucille sa binata. Kung alam lang niya, hindi sana siya natalo!

Tumaas ang isang kilay ni Alas at nagtataka siyang tinignan. "She's a mage? I didn't know that."

Nagngitngit sa galit ang dalaga habang tinitignan ang inosenteng mukha ng kanyang pinsan. Hindi nito alam? Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba at kaya ito interesado sa babaeng iyon ay dahil sa natatangi nitong lakas? Ngayon ay sigurado siyang pinaglalaruan siya nito.

Puno parin ng pagtataka si Lucille. Mahina physically ang mga mage kaya imposibleng mahulaan niya ang class ng nakalaban niya. Hindi niya kasalanan na naisip niyang isa itong warrior type dahil sa lakas nito. Kasing bilis din niya ito kaya inisip niyang isa rin itong assassin. Pero isa pala itong mage?

Isang malaking abnormal ang babaeng iyon. Hindi ba ito marunong mag-balance ng points? Bakit nito inilagay sa strength at agility ang mga points nito imbes na sa intelligence?

May hindi tama sa babaeng iyon. Natatandaan niya na bigla nalang itong lumakas sa kalagitnaan ng laban nila. At sa huli, hindi tumalab ang lason ng kanyang dagger. Ano ang dahilan?

Sinasabi ng instinct niya na alam ni Alastair ang dahilan. Pero paano niya makukuha rito ang sagot? Kung ayaw nitong magsalita, kahit na ano'ng gawin niya, hindi niya makukuha ang sagot dito.

They Came from the SkyWhere stories live. Discover now