My Tag 43

207K 4K 1.3K
                                    

UNEDITED. DAMI TYPO. PAKI INTINDI NA LANG. HAPPY READING.

My Tag 43

Sitti's POV

            GAYA no'ng naging pilian kung sino ang magkakapartner, bunutan pa rin ang naging sistema nila. Kung sino 'yong may mabubunot na papel na kaparehas ng kulay sa isa, automatic sila na ang magpartner.

            Tungkol naman sa naging pagtatalo ni Jonas at Kaizer kanina, si Patty na 'yong nag-explain sa mga members ng faculty at teacher na nandito din sa gym sa kung anong nangyari at na wala namang dapat alalahanin 'yong mga professors.

            Pwew! Mabuti na lang talaga sila natuloy 'yong away nila Kaizer at feeling gangster kanina kundi lagot silang dalawa at malamang damay din kami doon sa magiging parusa nila kung sakali.

            Waaaah! Wala talagang nakukuhang magandang resulta sa violence!

            "Miss Sandoval."

            Lumapit na ako doon sa teacher na may hawak ng magiging kapalaran ko sa buhay—este sa contest pala saka ako bumunot ng papel sa loob ng box na dala niya.

            Kulay blue 'yong nakuha kong kulay at sunod namang lumapit 'yong isang babae din na tinawag pagkatapos ko.

            Sana lang talaga kakilala ko magiging partner ko. Sana si MM ulit para masaya. Pwede din si yabang at si Kris. Basta kahit na sino sa kanila okay na ko doon. Basta kilala ko!

            "Buenavista."

            Lumapit at bumunot na rin si Kaizer at ang nakuha niyang kulay ay pink.

            Wow. Girl na girl. Bwahahaha!

            "O? Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"

            Tingnan mo 'tong tao na 'to! Ang bipolar talaga.

            Parang kanina lang bumabanat na naman siya ala-Wattpad writer tapos magsusungit na naman siya?

            Baka naman kasi obvious na d'yan sa mukha mo 'yong pagpipigil mo ng tawa kaya  na naman siya nagsusungit?

            Umiling na lang ako sa kanya bilang sagot sabay tingin sa harapan para iwasan 'yong nag-iinterrogate niyang tingin.

            Ilang minuto pa nagtagal ang pagbunot ng mga papel at saka in-announce na ni Sir Pin—pinangatawanan ko na talaga 'yong pagtawag ng Pin sa kanya—ang mga magiging kapartner namin para sa contest.

            Sana matapos 'to ng maaga. Uwing-uwi na ko eh!

            "Mobi Dela Cruz at 'yong babae sa section two. Margaret Torres saka si 'di ko kilala 'to hanapin mo na lang. Patty Santos at 'yong class representative sa section three. Kris Lorenzo at teka! Estudyante ba 'to dito? Jonas Navarro at 'yong nerd sa kabila. Sitti Sandoval at 'yong lalaking SA. At panghuli, Kaizer Buenavista at Mia Valdez. Kayo ang magkaka-partner. Dismiss! Bahala na kayong magpractice para sa mga talent na ipapakita niyo. Wala na kaming balak i-check pa ulit 'yan. Sa mismong contest na at sa Sabado na 'yon. Ngayon, magsi-uwi na kayo nang makauwi na rin ako. Labas!"

            Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o parang namatay talaga 'yong kaingayan sa gym ngayon maging 'yong nagpa-practice na ibang year level sa kabilang side ng court. Saka bakit parang may galit yata si Sir Pin sa ibang kapartner namin?

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now