My Tag 18

303K 4.3K 674
                                    

My Tag 18

Patty's POV

          "Sa tingin niyo tama itong gagawin natin?"

          Napatingin silang lahat sa akin, maliban kay Mobi na sobrang titig na titig doon sa drawing na nasa buhangin habang ngumunguya na naman ng marshmallow na baon nito.

          "Ano ka ba naman Patpat! Natural gagana 'to no! Ako kaya nakaisip nito!" Sagot ni Kuya Tobi sabay tinapos na nito 'yung dino-drawing nito sa buhangin.

          "Ano ka ba naman, Pattotie!" Sabi naman ni Kris sabay akbay sa akin. "Tatalab 'to! Dalawang genius na nag-isip nito! Epektib 'to! Promise!"

          "Sa'yo nga ako pinaka nagdududa eh!" Sabi ko sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.

          "Ayan! Tapos na!" Biglang sabi ni Kuya Tobi sabay lagay ng dalawang kamay nito sa bewang nito. "Operation: Sagipin ang love life ni Kai Kai!"

          "Wuuhoo!" Masayang hiyaw naman ni Kris sabay pinalakpakan si Kuya.

          Tsk! Mga baliw talaga ang dalawang 'to! Dapat hindi pinagsasama ang dalawang 'to sa iisang lugar eh!

          Kung nung una natutuwa pa ako na bumalik si Kuya Tobi galing ibang bansa, ngayon gusto ko na ulit siyang itulak pabalik kung saan man siya nanggaling nang mabawasan na 'yung mga kasama ni Kris sa paggawa ng kalokohan.

          Pero dahil nababagot na rin ako at gusto kong may gawing kakaiba naman sa bakasyon ang "genius na plano" nila ni Kris.

          "Ganito ang una nating gagawin, hiwalay nating kukunin si Sitti at Kaizer tapos ipapasok natin sila sa iisang kwarto at ila-lock natin sila doon sabay iiwan natin sila sa loob ng cottage natin. Babalik lang tayo kapag okay na silang dalawa."

          "Eh paano naman nating malalaman kung okay na silang dalawa kung nasa labas na tayong lahat?" Tanong ko kay Kuya.

          "Doon papasok si Mobibi!" Sabi ni Kuya sabay turo sa kapatid niya. "Ang kapatid ko ang magiging spy natin habang nasa labas tayo."

          "At sa tingin niyo talaga gagana ang plano niyo na 'to huh?"

          Lahat kami sabay-sabay na napatingin kay Margaret nang bigla siyang magsalita.

          Oo. Kasama namin siya dito sa labas at katulong din namin siya sa "pangingidnap kuno" doon sa dalawa na sila Kaizer at Sitti.

          Kakainis kasi si Kaizer eh! Kung di sila nag-away ni Sitti di sana wala ako dito ngayon.

          Pero napapaisip din ako na okay na rin na nag-away sila.

          Pangit naman sa isang relasyon ang puro saya lang di ba? Dapat may kaunting tampuhan din para balance. At saka hindi healthy sa isang relasyon ang puro saya lang ano! May chances na magkasawaan kayo sa bandang huli.

          At, hindi matatawag na isang relasyon ang isang relasyon kapag walang gulo o conflict na nangyayari sa couple. Conflict ang nagpapatibay sa dalawang tao lalo na sa isang relasyon lalo na kung sabay nilang nalagpasan at nasolusyunan ang problema nila sa buhay.

          "Alam niyo, halatang-halata talaga sa plano niyo kung gaano lang kaliit ang mga utak niyo." Sabi ni Margaret sabay flip ng buhok niya. "Totoo pala talaga 'yung kasabihan na the losers that flocks together, loser together and forever."

          Napapailing na lang ako sa sinabi ni Margaret.

          Akala ko pa naman nung kinaibigan na namin siya, magbabago na siya kahit papaano. Well, nagbago rin naman siya kahit papaano kasi hindi na niya binu-bully si Sitti—though tinatawag pa rin niyang loser si Sitti, mas maganda na iyon kaysa dati na sinasaktan niya physically si Sitti.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now