My Tag 16

259K 5.1K 1.4K
                                    

My Tag 16

Sitti's POV

          "K-Kris?!"

          Halos lumabas na sa eye socket ko 'yung mata ko nang makita ko siya na nakatayo dito sa harapan ko. Pero syempre, joke lang 'yung tungkol doon sa mata ko. Sobrang nanlalaki lang talaga ang mata ko nang makita ko si Kris dito sa lugar ko.

          Napatingin ako nang wala sa oras sa puno kung saan ako nakatayo at doon sa last message sa akin ng OP ni Kaizer. Baka kasi mali ako ng lugar na napuntahan. Baka puno ng mangga 'yung sinasabi niya at hindi puno ng niyog.

          Baka bigla akong napasok sa Just For Laughs at kasabwat nila si Kris para i-good time ako.

          "Sitti."

          Bigla akong napatingin ulit sa mukha ni Kris nang tawagin niya ang pangalan ko.

          Oh my god! Kilala niya ako—I mean, kilala niya naman talaga ako.

          'Kumalma ka nga lang muna Felicity Sandoval! Baka naman hindi talaga siya ang OP ni Kaizer! Wag ka ngang mataranta!' Sigaw ng isip ko sa sarili ko.

          Pero hindi ko magawang kumalma! Paano ako kakalma?

          Nasa harapan ko na ang OP ni Kaizer! 'Yung OP na matagal ko nang nakakausap sa chat sa Facebook at isa sa mga tinuturing kong close friends ko hindi lang sa FB kundi sa totoong buhay na rin.

          Nasa harapan ko na 'yung taong matagal ko nang gustong makita sa personal!

          Nasa harap ko na ang OP ni Kaizer!

          'Ano ba?! Kumalma ka nga! Sinabi nang baka hindi siya 'yung OP ni Kaizer eh!' Sermon na naman ng utak ko sa akin.

          Lihim kong inayos 'yung sarili ko. Napasuklay pa nga ako sa buhok ko nang wala sa oras para lang maalis 'yung kaba ko.

          "A-Anong ginagawa mo dito?"

          Ano ba?! Bakit ako nauutal?!

          'Si Kris lang 'yan Sitti! Si Kris! 'Yung kaibigan ng kaibigan mo na boyfriend din ng kaibigan mo na schoolmate at kaibigan mo rin! Kumalma ka!'

          "Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta dito?"

          Mas lalo akong na-tense sa sagot niya.

          Ay teka nga! Bakit ba ako nati-tense sa kanya? Si Kris lang naman 'to ah!

          'Eh paano kung siya talaga 'yung OP ni Kaizer? Paano kung siya talaga?'

          Napapatingin ako sa likuran ni Kris maging sa paligid namin. Baka kasi na-traffic lang 'yung OP ni Kaizer at napadaan lang si Kris dito. Alam niyo na? Trip niya lang din tumambay dito sa may puno ng niyog.

          Saka ganito ba talaga 'yung feeling ng mga taong nakikipagmeet up sa strangers for the first time?

          Naku buti na lang talaga hindi ako mahilig sa mga meet up-meet up na 'yan! Hindi ko akalain na ganito pala nakakakaba ang experience na 'to!

          AT LAST KO NA 'TO!

          "B-Bakit ka nandito?"

          Naiinis ako sa sarili ko kasi nauutal-utal pa rin 'yung dila ko. Pero mas nakakainis si Kris kasi tinatawanan niya 'yung pagka-utal ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now