My Tag 32

202K 4.6K 987
                                    

A/N: Walang kwentang chapter pramis! Ako na nagsasabi sa inyo. Sensya na ang sabaw.

My Tag 32

Sitti's POV

            Magmula nang lumipat sa school namin 'yung feeling gangster na Jonas na 'yun, mas lalo pa yata naging heavy 'yung atmosphere sa klase namin.

            Ano ba naman 'yan! Kung kailan nawalan kami ng midterm exam saka naman naging feeling hell week 'yung classroom namin.

            At ang madalas na magparamdam ng hell sa akin sa klase na 'to ay 'yung maya-mayang pagpapatugtog ng mga kaklase ko sa kantang ginawa ko--oo, hindi pa rin sila nakaka-move on sa pang-aasar nila sa akin hanggang ngayon--at 'yung pagtitinginan ni Kaizer at Jonas sa isa't-isa.

            No'ng una, akala ko bromance lang 'yung namamagitan sa kanila. Di nila ako masisisi na mag-isip ng gano'n kasi grabe talaga 'yung tinginan nila sa isa't-isa eh! Pamatay! Tapos maya-maya pa ngiti--I mean, ngisi pala ni Jonas kay Kaizer.

            O di ba? Bromance!

            Aasarin ko sana si Kaizer tungkol doon kay Jonas kaya lang 'yung mukha pa lang ni yabang nagsasabi na wala siyang panahon na patulan ang kahit anong biro.

            Tsk! Mabuti na lang talaga at nasa harapan si Jonas nakaupo kundi baka bigla na lang silang magsapakan dito sa may likuran.

            "Okay ka lang?"

            Nandito kami ngayon ni yabang sa may roof top ng school. Dito ko siya niyaya na magpalipas ng oras dahil wala na naman ang isang Prof namin sa third subject namin.

            Ang sisipag talaga pumasok ng mga Professor sa Eastton! Nakakatuwa! Insert sarcasm here!

            Narinig ko muna 'yung pagbuntong-hininga ni Kaizer bago siya humarap sa akin na para bang ngayon niya lang nalaman na nag-e-exist ako sa tabi niya.

            Okay, Sitti. Wag papaganahin ang kabaliwan ngayon okay? Mamaya na lang kapag pwede na. Mukhang malaki talaga ang problema ni yabang ngayon.

            "TG, anong masasabi mo kay Jonas?" biglang tanong niya.

            "Huh?"

            "Na... Nagwa-gwapuhan ka ba sa kanya?"

            OH MY GAD! Tama pala ang hinala ko kanina!

            May nabubuong bromance sa kanilang dalawa!

            Hindi ko matitigan ng derecho sa mata niya si yabang.

            Gawd! Paano ko ba siya sasagutin? Paano ko ba sasagutin 'yung tanong niya na hindi lumalabas ang pagsi-ship ko sa "unsaid" fandom ship nila ni Jonas the feeling gangster?

            Kung talagang may bromance sa kanilang dalawa, sino sa kanilang dalawa ang bakla? Si Kaizer kaya? Imposible si Jonas eh! Kilos gangter 'yun eh! At walang baklang gangster!

            Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko dahil nagwala na naman ang malikot kong imagination sa utak ko.

            "Ano na, TG? Nagwa-gwapuhan ka ba sa kanya?"

            Seryosong-seryoso 'yung mukha ni Kaizer nang ulitin niya sa akin ang tanong na ito.

            OH MY GAD! Ito na ba 'yung oras na aamin na siya sa akin tungkol sa totoo niyang kasarian? Na makikipaghiwalay na siya sa akin dahil nalaman niya na si Jonas pala talaga ang tinitibok ng puso niya?

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now