My Tag 20

270K 4.7K 795
                                    

My Tag 20

Kaizer's POV

          "Oh Kaizer! Ang aga mo yata ngayon?" sabi ni Tita sabay pinapasok ako sa loob ng bahay nila.

          "May orientation po kasi ngayon. Kailangan pong maaga ako sa school." sabi ko sabay tingin sa likuran ni Tita. "Si Sitti po pala?"

          "Ayun!" sagot nya sabay tingin sa taas ng hagdan ng bahay nila. "Tulog pa din hanggang ngayon. Alam mo naman 'yung anak kong 'yun laging sleeping beauty ang drama sa umaga."

          Ngintian ko na lang si Tita doon sa sinabi nya.

          Saka di naman ako kumokontra sa sinabi nya dahil totoo naman iyon. Mahirap gisingin si TG sa umaga.

          "Gisingin mo na nga iyon at maghahanda pa ako ng breakfast nyong dalawa." sabi pa ni Tita sabay derecho sa kusina nila.

          Iniwan ko muna 'yung bag ko sa sofa nila Tita sa may sala saka ako umakyat sa second floor ng bahay nila kung nasaan 'yung kwarto ng babaeng iyon.

          Magmula ng naging kami ni TG, parati ko na syang sinusundo sa bahay nila. Ewan ko ba! Naging responsibilidad ko na ang paghatid-sundo sa kanya. Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko din naman syang nakakasabay sa pagpasok at pag-uwi. At para masiguro ko na din na hindi sya mali-late sa pagpasok at makakauwi ng maaga sa bahay nila.

          Psh! Paniguradong nagdamag na naman siguro iyon sa kaka-Facebook nya kagabi kaya tanghali na naman sya nagising. Tss! Alam naman nyang maaga kami ngayon tapos ang lakas pa ng loob ng tanghaliin ng gising. Tsk!

          Pagbukas ko ng pinto ng kwarto nya, balak ko sana syang asarin at sigawan nang bigla na lang syang magising at gumawa na naman ng mga kabaliwan sa umaga.

          Gaya na lang noon, kapag ako ang pinapagising sa kanya ni Tita, bigla akong sumisigaw ng malakas para magising sya tapos bigla syang magigising at magtatanong kung saan daw 'yung 70% sale.

          Tss! Baliw talaga. Pero mas baliw ako kasi natatawa pa rin ako kapag naaalala ko 'yung mga ginagawa ni Sitti. At natutuwa akong panoorin 'yung kabaliwan nya sa umaga.

          Hindi natuloy 'yung plano kong pambulabog sa kanya sa umaga nang makita ko syang natutulog ng mahimbing doon sa gitna ng kama nya habang yakap-yakap 'yung isa sa pares ng stuff toy na binigay ko sa kanya sa retreat house namin sa Baguio—si baby Kaizer.

          Hindi ko napigilang ngumiti sa nakita ko saka ako naglakad palapit sa kanya at naupo sa tabi nya sa kama.

          Dahan-dahan kong inalis 'yung pagkakayakap nya sa teddy bear na iyon na may cap saka iyon maingat na tinabi doon sa hilera ng mga stuff toy nya sa ulunan ng kama nya.

          Pero dahil doon sa ginawa ko, biglang gumalaw si TG saka sya napaharap sa direksyon ko.

          Para akong na-hipnotismo nang makita ko 'yung natutulog nyang mukha.

          Tsk! Hindi ko akalain na maganda pala ang baliw na 'to sa umaga...kahit na nga may muta pa 'to sa mata nya at magulo 'yung buhok.

          Tss! Napapaisip tuloy ako kung paano naisip ng baliw na babaeng 'to na panget sya kung hindi naman talaga.

          Wala sa loob ko nang bigla kong inalis 'yung mga buhok na tumatabing sa mukha ni TG saka ko hinaplos 'yung mukha nya.

          Napapangiti ako sa sarili ko habang pinapanood sya saka ko dahan-dahang ibinaba 'yung mukha ko sa kanya.

My Tag Boyfriend (Season 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant