My Tag 30

200K 5.1K 2.3K
                                    

My Tag 30

Kaizer's POV

          "Wala namang nabaling buto sa kanya. May naipit lang na ugat at muscle sa paa niya na pansamantalang magpapabaldado sa kanya ng mga ilang linggo."

          Wala sa loob na napatingin ako sa loob ng kwarto kung saan nagpapahinga si Mia saka ako ulit humarap sa doktor na kausap ko.

          "Pero paano po siya ngayon? Makakalabas po ba siya ngayon?"

          Marahang umiling ang doktor. "Hindi pa siya pwedeng ilabas hanggang hindi pa dumadating 'yung guardian niya. Saka kailangan pa namin siyang idaan sa test mamaya para mas masigurado na okay nga lang ang kanang paa niya at wala na siyang other complications pa."

          Napapatango na lang ako saka nagpaalam sa doktor na tumingin kay Mia.

          Muli akong napatingin sa loob ng kwarto niya saka ako mabigat na bumuntong-hininga at pumasok sa loob.

          'Maswerte siya dahil hindi gaanong malala 'yung nangyari sa paa niya. Kung nagkataon na napasukan pa ng bubog ang paa niya dahil sa bumagsak na ilaw gaya ng pagkakakwento mo, kakailanganin namin siyang operahan at mas mapapatagal ang recovery ng paa niya. Worst, baka hindi na siya makalakad.'

          Napatingin ako kay Mia na nakahiga sa gitna ng kama ng ospital at walang malay.

          Muli akong napabuntong-hininga nang makita ko ang natutulog niyang mukha saka 'yung cast na nasa paa niya bago ko hinila ang isang upuan na nasa gilid at dinala iyon sa gilid ng kama niya saka naupo doon.

          'Kailangan siyang gabayan sa paglalakad kung sakaling pagpilitan niya na pumasok pa rin sa eskwelahan niyo sa kabila ng kalagayan niya. Pwede kaming magprovide ng saklay sa kanya o kung gusto niya ng wheelchair pwede rin.'

          "Ano ba kasing naisip mo at sumugod ka sa gitna nung stage?" Sermon ko sa natutulog na si Mia. "Parehas lang kayo ni Sitti. Mga di kayo nag-iisip."

          Medyo nagulat ako nang bigla na lang gumalaw 'yung kamay ni Mia saka unti-unting dinilat ang mata niya at napapalingon sa paligid niya.

          "Kaizer?" Paos ang boses na tanong niya nang mapaharap siya sa akin.

          "Ayos ka lang?" Tanong ko matapos ang malalim na pagbuntong-hininga.

          Hindi ako sinagot ni Mia saka niya muling nilibot ang tingin niya sa kwarto kung saan siya nilagay ng doktor.

          "Nasaan ako?"        

          "Nasa ospital ka. Hindi mo ba naaalala 'yung ginawa mo?"

          Nakita ko ang pagkalito sa mata ni Mia saka iyon biglang nanlaki at bigla siyang napabangon sa kama niya kaya lang muli lang din siya napahiga.

          "A-Ang paa ko..." Naiiyak na sabi niya. "Kaizer, hindi ko maramdaman ang paa ko!"

          Bigla akong napatayo sa upuan ko nang bigla na lang siyang umiyak saka biglang pinaghahampas 'yung binti niyang nakasemento at nagsimulang magwala.

          "Mia ano ba? Wag mo ngang saktan ang sarili mo! Hindi ka pa magaling!" Saway ko sa kanya saka ko kinuha ang mga kamay niya para tigilan na niya 'yung paghampas niya doon sa paa niya.

          "Hindi ko na maramdaman ang paa ko, Kaizer! Hindi na ako makakalakad!" Malakas na sigaw niya sa akin saka niya biglang hinila ang mga kamay niya mula sa hawak ko at itinakip iyon sa mukha niya bago siya umiyak ng malakas.

My Tag Boyfriend (Season 2)Where stories live. Discover now