My Tag 4

504K 7.7K 1.3K
                                    

A/N: PLay the multimedia sa gilid para marinig niyo yung song ^_____^

My Tag 4

Sitti's POV

          "Kailangan mong bumawi sa akin!"

          "Alam mo iba kung ilang oras akong naghintay sa'yo doon sa park huh?"

          "Nasayang 'yung pagkain na in-order ko, bayaran mo din iyon!"

          "Bayaran mo rin 'yung sinayang mong oras sa akin. Alam mo ba 'yung kasabihan na Time is gold? At 'yung oras ko kasing mahal ng gold kaya bayaran mo din iyon!"

          "Saka 'yung pagod ko, 'yung pag sakit ng ulo ko, lahat bayaran mo!"

          Akala ko pa naman okay na kami ni yabang kasi ngumingiti-ngiti na siya ulit sa akin kanina eh...di pa pala.

          At alam nyo 'yung pinaka nakakainis dito? 'Yung walang katapusan niyang pangongonsensya sa akin habang nagbabyahe kami.

          Ako naman si guilty nag-iisip kung paano ako makakabawi sa kanya at nang tigilan na niya 'yung walang katapusan niyang pangongonsensya sa akin.

          Ano bang gagawing pambawi ng isang babae na walang laman ang pera sa lalaking ubod ng yaman at yabang?

          Alam ko na hindi ako ganoon katalinuhan kaya wag na kayong umasa na may naisip akong paraan sa mga tanong sa utak ko.

          "Gusto ko dito!"

          Napaangat ako ng tingin sa harapan ko sa lugar kung saan kami huminto ni Kaizer.

          "Sa mall?"

          Nakangiting tumango si Kaizer nang humarap siya sa akin. "Oo. Saka balita ko madami raw laman ang mall."

          "Bakit? Hindi ka pa ba nakakapasok sa mall?"

          Ay kawawang Kaizer! Napag-iwanan ng sibilisasyon!

          "Baliw!" Sabi niya sabay pitik sa noo ko. "Alam ko na may naiisip ka na namang kabaliwan kaya tigilan mo 'yan. Wag mo na ring ideny kasi halata sa mukha mo. Saka alam mo ang slow mo talaga kahit kailan! Nang-aasar ako doon sa sinabi ko kanina."

          "Ah? Bakit? Ano bang nakakaasar sa pagsabi mo na madmaing laman ang mall eh madami naman talagang laman ang mga mall?"

          Tinapunan muna ako ng bagot na tingin ni Kaizer bago siya nagsalita.

          "Ibig sabihin nung sinabi ko, sa mall mo ako ililibre!"

          "ANO?!" Gulat na gulat at malakas na sabi ko. "Wala nga akong pera di ba tapos magpapalibre ka pa sa mall?!"

          "Exactly." Ngiting demonyong sabi ni Kaizer saka niya hinawakan 'yung kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng mall.

          Kung inaakala ni Kaizer na ma-bubully niya ako nang ganoon-ganoon na lang dahil sa na-late lang ako sa "date" namin, pwes papahirapan ko muna siya!

          Para kaming mga sira na naghihilaan papasok at papalabas ng mall sa may entrance. Medyo agaw-eksena na nga kami dito pero wala akong pakialam.

          Eh sa wala akong pera eh! Anong ililibre ko kay Kaizer? 'Yung lamig ng mall?

          "Ano ba?! Pumasok ka na nga!" Sabi niya sabay hila sa kamay ko.

My Tag Boyfriend (Season 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant